Tuwang-tuwa si Tristeen nang dalhin nila ni James ang bata sa amusement park isang araw. May checkup kasi si Camille sa OB nito at syempre sasamahan ng kuya niya. Pagkatapos ay dadalawin na rin ng sister-in-law niya ang mga magulang nito sa cemetery. Day off din ni Marie na yaya ng pamangkin niya. And her parents were both busy. "Teen! Huwag kang tumakbo!" napabuga nalang ng hininga si Maia sa kakulitan ng pamangkin. Maagap naman itong nahabol ni James. Sinundan niya ang dalawa. "I want icecream, Toto!" tinuro ni Tristeen ang vendor. Karga na ito ngayon ni James para hindi na maglikot. Madami pa namang tao dahil weekend. Mabaliw pa ang kapatid niya 'pag nawala nila ang pinakamamahal nitong prinsesa. "Alright!" James kissed Tristeen's cheek at nagtungo na sila roon para makabili.