DAHIL marami nang natapos na mga bagong damit at mga gown na makabagong uso ngayon ay nag-organize kami ng Fashion Show sa mall. Pumili kami sa aming mga empleyado dahil marami naman ang sexy, at nag-hire rin kami ng mga model iyong tipong kaaya-aya namang tignan. At dahil nahihirapan na ako sa paggalaw-galaw kaya si bhest Havanna, at ang sekretarya na lang muna ang nag-aasikaso sa dapat gawin. Pero sa pagpili ng mga model ay ako na ang pag-aasikaso. "Bhest, sigurado ka ba na okay ka lang dito?" pag-aalala na tanong ni Havanna. "Oo, bhest. Pasensya ka na kung hindi kita matulungan sa mga lakad mo. Paano naman kasi ang bigat na nitong aking tiyan." "Okay lang! Naintindihan ko naman. Sige na, lalakad na kami." "Okay mag-ingat kayo.' Nagsimula ang pagbili ko sa mga nag-apply bilang m