SINALUBONG ng mga empleyado ang paparating na si Samuel. Pero hindi ko alam kong ano ang kanilang plano. "Saan kayo pupunta?" tanong ko, dahil nakita ko silang lahat na patungo sa labas. Ang sa isip ko ay baka nagtampo sila. "Ma'am Chang, may pupuntahan lang kami saglit" tugon ni Grace. "Okay, pero balik kayo agad." "Siyempre po, Ma'am Chang. Hindi pa kami nakakain ng litchon, eh" sabat ni Jhennuel. Nagtuloy na sila patungong labas at kami naman ay pumunta sa lamesa para sa aming cake at red wine. Hinarangan nila si Samuel sa may daanan at lumaki naman ang mata niya nang makita sila. "Saan ka pupunta!?" Nakapamewang na tanong ni Lailany. "A-attend ng kasal ni Chang," sagot ng lasing. "Hoy! Batugan tumigil ka, ha! Gusto mo lang guluhin ang masayang araw nila Ma'am Chang. Aka