Chapter 34.. Dinig na dinig ko ang malakas na palakpakan habang hinahalikan ako ni Jam at mahigpit akong hapit nito sa bewang. Humiwalay ako ng matanto kong tila kakapusin na ako ng hininga. At napatingin ako sa mga mata nito na syang naka tingin din sa akin. Nababasa ko ang mga matang iyon. At kinindatan pa ako nito na,may halong ngiti kaya tila nakaliti ako sa ginawa nito. "Na miss kita baby ko." Usal nito sa akin habang kapit parin nito ang bewang ko, at dikit na dikit ang mukha ko sa mukha nito, at dahil medyo matangkad ito sa akin amoy na amoy ko ang mainit na hininga nito. At tila pakiramdam ko sumasayaw kami sa mga oras na yon dahil umuusad ang aming paa paikot. "Na miss? Muntik mo na nga akong hindi maalala?" Bulalas ko dito at itinaas ko ang aking mata para tumingin dito, umis