bc

(Filipino) Stephanie: Unrequited

book_age16+
1.5K
FOLLOW
13.0K
READ
forbidden
family
escape while being pregnant
forced
decisive
dare to love and hate
drama
bxg
betrayal
cruel
like
intro-logo
Blurb

Stephanie fell head over heels sa isang lalaking sobrang hirap ma-reach. Lahat kaya niyang gawin makuha lang ang pansin nito. Pero pag ang kinabukasan at respeto sa sarili na ang kapalit, kakayanin niya kayang i-give up lahat para sa isang taong walang kasiguraduhan?

chap-preview
Free preview
One
             I stood there emotionless as I was looking at my parents. Hindi ako makapaniwala sa nakikita. Mom's helping dad's mistress. Parehong lasing ang tatay ko at ang babaeng dinala nito sa bahay... And mom... She love dad so much, kahit itong kawalanghiyaan ni dad, nagagawa niyang sikmurain. I can never be like that. I don't want to be like that.              I used to look at her like she's the strongest woman I know, pero simula nung malaman ko ang mga kalokohan ni daddy, parang nawala na lang bigla. She's weak. Hinahayaan niyang gawin ito ni dad. Dapat ay galit siya. Dapat gumagawa siya ng paraan para tigilin si dad sa mga kalokohan niya pero imbes ay hinahayaan niya pa. Hinahayaan niyang masira ang pamilya namin.              "Why are you just standing?? Help me with your dad!" singhal ni mommy sa akin.              I looked at her coldly. I wanted to shout at her for doing this but I can't. Alam kong pasaway akong anak at hindi ko kailanman sinunod ang mga kagustuhan nila but I am still their daughter. I really can't be mad at them forever kahit anong gawin nila.              Tinalikuran ko si mommy at nagsimula na akong maglakad papunta sa kwarto ko. Time to blast loud music. I don't need to hear any of this bullshit. Alam kong mag-aaway na naman sila pagkagising ni daddy. My sister's lucky, she's not here to see all these. She's innocent to all of this.              Kasabay ng tugtog ng malakas na musika ay ang pagkabasag ng puso ko. Kahit anong lakas ng tugtog sa kwarto ko, hindi pa rin nito nafi-filter ang bangayan ng mga magulang ko sa kwarto nila, which is next to my room. Minsan hindi ko na alam kung ano yung mas maigi, yung maghiwalay sila o manatiling magkasama pero lagi namang ganito?              I looked at my phone. It's eleven in the evening. Tumingin ako sa labas. Maraming guards. Well, wala namang pakialam sina mommy sa akin kaya kahit lumabas ako, okey lang.              Sinuot ko ang bagong damit na nabili ko kanina lang. Sleeveless crop top shirt and a white denim short shorts. It fit my body. Lagi kong naririnig sa mga kakilala ko kung gaano kaganda ng kurba ng katawan ko. Bagay daw akong maging modelo. Kinuha ko ang nakahanger na cardigan at pinatong ko iyun sa suot ko. Perfect.              Inayos ko ang kulot kong buhok. I have this really curly hair, it's unlike my sister's straight hair. They told me I got it from mom, but my curls are really different from her. Malalaki kasi ang kulot nung akin, yung sa kay mommy, kulot na kulot talaga. Parang kay St. Nino. Well, gusto ko naman yung kulot ng buhok ko. Bumagay siya sa shape ng mukha ko.              Matapos kong tingnan ang sarili sa salamin, dinampot ko ang purse na nasa kama ko saka lumabas na ako ng kwarto. Parang wala akong naglakad palabas... And like what I expected, hinayaan lang ako ng mga gwardiya. Walang kaeffort-effort. Saya pag walang pakialam ang mga magulang mo sayo noh?              Kinuha ko ang motor ko sa garahe saka pinaandar iyun. Nang makita ng mga gwardiya ay mabilis naman nila akong pinagbuksan ng gate. I like it more this way. Ayokong maging prisoner ng mga magulang ko... Like Ken. Halos di na nga niya magawa ang gusto niya dahil lagi silang nakatingin... Though her little secrets are not really secrets to me. I know all her late night parties. Of course... I've seen her a couple of times with her friends.              I rode my big bike papunta sa bar na madalas na pinagtatambayan ng kaibigan ko. Doon din madalas si Ken but I doubt andun siya ngayon.              Pagdating ko sa bar ay agad akong sinalubong ni Daeny. She's my friend. My only friend actually. I have lots of acquintances but I never considered them as friends. I know they're all fake. Good in front but they backstab you when you're not around.              "Glad you're here." aniya saka kinuha ang helmet ko.              Sinuklay ko ang mahaba kong buhok gamit ang mga daliri ko.              "Akala ko hindi ka na makakapunta because of that little problem."              I rolled my eyes. "Kailan pa ba ako hindi nakapunta?"              She laughed sabay palo sa braso ko. I find her weird sometimes.              "Alam mo ba?" simula niya. "Rinig ko, andito ngayon ang may-ari ng bar. Hindi daw madalas yun nagpupunta rito dahil busy daw... Pero ngayon.. Omg!!!! I heard he's hot."              Inayos ko ang suot ko saka nagsimula na kaming maglakad na dalawa papunta sa loob. Kwento siya ng kwento tungkol sa may-ari ng bar. I am not really interested. Lahat naman kasi gwapo para sa kanya. Malay ko ba kung totoo ba yang sinasabi niya? Baka naman kamukha ni Bangky?              Nang nasa loob na kami, kumaway siya sa isang kumpol ng nag-iinuman sa table kung saan kami madalas na umuupo.              "Who are they?" taka kong tanong.              "New friends?"              Pinanliitan ko siya ng mata. "New friends?"              Nagkibit-balikat siya. "They shared me their drinks so..." aniya. "Come, ipapakilala kita sa kanya. They're nice."              Lumapit nga kami sa mga ito. Binati ako ng mga ito saka pinakilala ako ni Daeny sa kanila isa't isa. Matalas talaga ang memorya nitong babaeng toh at talagang namemorize niya ang mga pangalan ng mga ito.              "Your friend's right. You're hot." anang isang lalaki sabay inom ng hawak na alak. Hindi nito tinanggal ang tingin sa akin.              I rolled my eyes. Tiningnan ko si Daeny. "I am not going to stay with them tonight. Kung gusto mo, ikaw na lang rito. Doon na ako sa kabila."              Pipigilan pa sana ako nito. She knows pagsinabi ko, talagang gagawin ko. Akala ko magpapaiwan talaga siya roon pero nakita ko na lang siyang nakasunod sa akin. She's really a very loyal friend. To the point na nakakatawa na.              I ordered a drink. Umupo si Daeny sa tabi ko. Mukhang nagsisi ito na sumama sa akin. I really don't feel like mingling with other people right now. I know how to flirt pero after what happened sa bahay? Nah, baka magkagulo lang pag nawala ako. Hindi ako magandang nati-trigger.              Daeny poked me. Nakakuno ang noong tumingin ako sa kanya.ay tinuturo siya kaya agad ko namang tiningnan iyun.              "That's Zacharias Lucas. The very Zacharias Lucas I told you about." aniyang nanginginig sa sobrang kilig o excitement.              Hindi ko maalalang may binanggit siya sa aking Zacharias Lucas. I don't even know that guy. I can't see him clearly. Nearsighted kasi ako. Pasensya naman.              "He's the owner of this club!!! Ang gwapo diba? Grabeh. Kung magiging jowa ako niyan kahit isang araw lang, pwede na akong mamatay."              I rolled my eyes. "Kung ganyan siya kagwapo, I doubt na papatulan ka niya."              Nanliit ang mga mata nito. "Alam kong hindi ako kagandahan beshy, pero mabait naman akong tao. Sabi nga nila, ang tunay na kagandahan ay nasa panloob, wala sa panlabas."              Hindi na ako sumagot. Bahala na siya sa pagi-ilusyon niya. Basta ako, iinom lang ako buong gabi hanggang sa malunod ang lahat ng problema ko.              "Omg, beshy!!! Nakatingin siya sa akin ngayon!!! Act cool... I need to act cool."              I smirked. "Sige lang, Daeny. Ipush mo pa yang pagkailusyonada mo."              I asked for another drink again ng maubos ang iniinom ko. Damn. Wala pa naman akong pera ngayon. Mangungutang na lang muna ako kay Daeny. Ugh! Sana pala tinanggap ko na yung alok niyang sumama sa mga bagong kaibigan niya kuno. Tsk.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Billionaire's Secret Affection (Tagalog)

read
258.8K
bc

Unexpected Romance

read
38.4K
bc

The Billionaire's Forced Marriage |COMPLETED|

read
325.2K
bc

Broken Angel

read
3.9K
bc

His Cheating Heart

read
41.2K
bc

Loving The Billionaire |SPG

read
249.3K
bc

The Billionaire's Obsession

read
2.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook