MALAYO ang tingin. Hindi ko mapigilan ang sariling mapaiyak. Kinuha ko ang damit ng anak ko at inilagay sa bag.
Narinig ko ang boses ni Joey. Ang kaibigan kong gay. Hinawi niya ang kurtina na ginawa naming harang para hindi masilip ang loob ng maliit naming silid.
"Friend.." panimula niya.
Lumapit siya sa akin. Pinahid ko ang luha at pilit ngumingiti.
"Okay na ang lahat." Yumakap siya sa akin at hinaplos ang likod ko.
"Friend huwag mo sarilihin 'yan. Nandito ako. Umiiyak ka lang." Nang sabihin niya iyon ay di ko na mapigilan pa ang mapaiyak.
"Di ko na alam ang gagawin ko joey. Nahihirapan ako sa tuwing nakikita ko ang anak kong nasa peligro ang buhay. Di ko kakayanin kapag mawalay siya sa akin."
Hinarap niya ako sa kanya.
"Ano ba ang sabi ng doktor?"
"Kailangan niya masalinan ng dugo. Hindi kami match joey."
Nawawalan na ako ng pag-asa. Ang anak ko na lang ang meron ako. Hindi ako makahingi ng tulong sa magulang ko dahil alam kong galit pa rin sila sa akin.
Naiintindihan ko kung bakit ganun na lang nila ako palayasin ng malaman nilang buntis ako at hindi ko maiharap sa kanila ang lalaking naka buntis sa akin.
"Bakit hindi ka humingi ng tulong sa ama ni Dale?" Napailing ako.
"Hindi ko magagawa 'yan dahil hindi ko alam kung nasaan siya." Umiwas ako ng tingin.
Ayokong malaman niya kung sino talaga ang ama ni Dale. Biglang tumunog ang phone ko.
Tumatawag si Gianna. Ang isa ko pang kaibigan na siyang nagbabantay sa anak ko.
"Gianna kamusta ang anak ko." Sabi ko.
"Callie si Dale kailangan na s'yang masalinan ng dugo." Umiiyak na aniya.
Kinabahan ako. Wala ng stock sa hospital kung saan dinala ang anak ko. Nag-hanap na kami sa ibang hospital pero wala na rin silang stock ng dugo na match sa anak ko.
"Sige ako ang bahala. Hahanap ako ng paraan." Ibinaba ko na ang tawag.
"Joey, Mauna ka na sa hospital. May kikitain lang ako." Sabi ko.
Kinuha ko ang bag ko at umalis na.
Sumakay ako ng taxi papunta sa Company.
Matagal na rin ng huli ko siyang makita. Baka nga ay nakalimutan na niya ako. Di ko alam kung pano ko sasabihin sa kanya ang lahat.
Sigurado akong magugulat siya kapag pinagtapat ko sa kanya ang totoo.
Hindi rin nag-tagal ay nakarating na ako sa lugar na iyon. Pagkalabas ko palang ng taxi ay bumugad na sa akin ang maraming media at mga empleyado ng Company niya.
Bagong tayo ang Company niya kaya siguro maraming tao ngayun.
Nagmamadali akong pumasok sa loob ng building. Sumakay ako ng elevator at pinindot ang floor kung saan ang office nya.
Nang makarating ako ay tinakbo ko ang daan ng may biglang may humarang sa aking mga body guard.
"Miss Hindi ka pwedeng lumapit. Tyaka hindi ka empleyado dito."
"Please nakikiusap ako. Kailangan ko makausap si Trevor."
"Sorry miss pero hindi pwede. Umalis ka na. O baka gusto mong kaladkarin ka pa namin palabas." Nagpumilit akong naglakad pero naitulak ako ng guard.
Huminga ako ng malalim at sumigaw.
"Trevor! Buntis ako! Panagutan mo ako." Napatingin sa akin ang lahat ng tao sa floor na ito. Nahawi ang daan. Malaya kong nakikita si Trevor na nakakunot ang noo sa akin.
Maraming nagkikislapang mga camera sa akin. Wala na akong pakialam pa kung ano ang itsura ko ngayun. Ang mahalaga mapansin ako ni Trevor.
Dahan-dahan syang lumapit sa akin.
"I don't know you woman."
"Please bigyan mo ako ng konting oras para makausap ka. Kailangan kita." Hindi ko mapigilan ang sariling tumulo ang luha.
Nasa malubhang kalagayan ang anak ko. Hindi ko sana gagawin to kung hindi lang kailangan ang dugo nya.
May naririnig akong bulungan.
"You are not worth of my time." Simple nyang sagot. Hinarap nya ang isang body guard nya.
"Alam nyo na ang gagawin nyo." Hindi sya tumingin sa akin at tumalikod na. Hinawakan ako sa magkabilang kamay ng dalawang Guard.
"Napakawalang hiya mo trevor! Pagkatapos mong yurakan ang pagkatao ko. Ipagtatabuyan mo na lang ako ng ganito! Napakagago mo!" Pag-eeskandalo ko.
Inis itong humarap sa akin.
"I don't even know you. So pano ako magkakaroon ng anak sayo." Galit nitong sabi.. huminga ako ng malalim.
"Bitawan mo ako." Sabi ko sa dalawang guard na kakaladkarin na ako palabas.
"Huwag ka ng magwala pa miss." Nagpupumiglas ako sa pagkakahawak nila sa akin..
"Let me go! Pag ako nakunan kakasuhan ko kayo!"
Bigla akong binitawan ng dalawa. Napaupo ako sa sahig at napaluha..
Umangat ako ng tingin. Nakita kong nakatitig sa akin si Trevor.
"Trevor." Mahina kong bulalas sa pangalan nya.
"What do you want from me?" Buo ang boses nyang tanong.
Ngayun ko lang napansin na wala ng tao sa floor na ito. Kami na lang dalawa ang magkasama.
"Nakikiusap ako sayo. Tulungan mo ang anak natin."
Hindi pa din nawawala sa gwapo nitong mukha ang pagkakunot ng noo. Naguguluhan sya sa mga pinagsasabi ko.
"Alam kong iniisip mo na nagsisinungaling lang ako pero yun ang totoo. May anak tayo at kailangan ka nya ngayun."
Nagsquat sya at ngumisi.
"Kung totoo nga ang sinasabi mo. Pano ko masisikmurang galawin ang isang katulad mo. Ginagawa mo lang ba to para siraan ako? I won't let you ruin my life." Nasampal ko sya.
Tumayo ako at hinarap sya.
"Hindi ako maruming babae. Dugo mo lang ang kailangan ko para sa anak ko. Yun lang ang gusto ko Trevor. Kahit magkanya-kanya na ulit tayo. Please nakikiusap ako sayo."
"Umalis ka na.. hindi kita tutulungan." Napaluhod ako sa harap nya.
"Please, please dale needs you. Ikaw lang ang makakapagligtas sa kanya." Lumuluha kong saad.
Hinawakan nya ang braso ko at pilit na tinatayo.
"Gagawin ko ang lahat. Lahat trevor. Pumayag ka lang."
Nagring ang phone ko...
Nagmamadali kong sinagot ang tawag ni gianna.
"Callie nasan ka na. Kapag hindi pa masalinan ng dugo ngayun si Dale baka mas lumala ang sakit nya." Nabitawan ko ang cellphone ko at napahagulhol.
Wala akong mapapala kay Trevor. Bagsak ang balikat na naglakad ako.
Nagulat ako ng may biglang humawak sa kamay ko. Nagulat ako ng makitang si Trevor iyon.
Kinaladkad nya ako hanggang makarating kami sa kotse nya.
Sinakay nya ako at humarap sa akin.
"Saang hospital?"
Sinabi ko sa kanya ang hospital kung saan nakaconfine ang anak ko.
Pagdating namin sa hospital ay agad syang nagpakuha ng dugo. Lumapit ako kay Gianna at Joey na naguguluhang nakatitig sa akin.
Pinahiga sa katabing Bed si Trevor. Nasa gilid ako ni Dale na hanggang ngayun ay walang malay.
Nakita kong napatingin sa gawi namin si Trevor. Nag-iwas ako ng tingin.
Walang nakakaalam na isang Trevor Leondale ang nakabuntis sa akin. Ang ama ng anak kong si Dale. Matagal ko itong nilihim.
Kahit na sa pamilya ko. Kaya labis silang nasaktan ng malaman nilang nabuntis ako.
Hindi alam ni Trevor na nagkaroon kami ng anak.. hindi ko na tinangka pang sabihin sa kanya dahil alam ko na kung pipilitin ko kukunin nya sa akin ang anak ko.
Nakahinga kami ng maluwag ng masalinan na ng dugo ang anak ko.
May isang buwan na rito sa hospital si Dale. Ang kwento sa akin ni Joey. Naglalaro sa gilid ng kalsada ang anak ko at hindi nila nabantayan ng maayos si Dale. Nakita na lang nilang nabangga ng kotse. Mabuti na lang at agad dinala sa hospital ang anak ko.
Kinailangan nyang masalinan ng dugo. Sa kasamaang palad. Hindi kami match ni Dale at no choice ako kundi ang sabihin kay Trevor.
Siya lang ang makakapagligtas sa anak ko.
Nagpaalam ang dalawang kaibigan ko na may bibilhin lang sa labas.
Papalapit sa kinaroroonan ko si Trevor. Nag-iwas ako ng tingin.
"You owe me an explanation." He said.
Sa tulong ni Trevor nailipat sa Private Room ang anak ko.
Tahimik kaming dalawa. Nagpakawala ako ng buntong hininga. Hindi ako mapakali.
Nakatitig lang sa akin si Trevor na nakaupo sa Single Sofa..
Pinagpapawisan ako ng malagkit kahit na nakatodo naman ang aircon.
"Now, explain." May diin nyang sabi.
"Di ko alam kung pano ko sisimulan."
Walang nagbago sa facial expression niya.
"I have a son? How did it happen?" Naguguluhan nyang tanong. Hindi ako makatingin sa kanya.
Dapat ko bang iexplain sa kanya kung pano namin ginawa? Kung pano niya dedehin ang dibdib ko.
"I know we did it. My question is why you didn't told me about him." Agad nyang sabi. Natahuan ako ng sabihin niya iyon.
Tumikhim ako. Mabuti na lang at hindi ko binuka ang bibig ko. Kung na sabi ko iyon ay malamang napahiya na ako.
"Natatakot kasi ako sa posibilidad na baka hindi mo tanggapin ang anak ko. Oh baka kapag naisilang ko na ang anak natin ilalayo mo siya sa akin." Pag-amin ko.
Naibato ni Trevor ang Vase na nakuha niya sa bed side table. Galit itong tumitig sa akin. Napalundag ako sa gulat.
"But still I'm the Father." Naluluha ko s'yang tinitigan.
"Hindi madali para sa akin ang lahat. Nung nabuntis ako. Ang nasa isip ko lang kasalanan ko kung bakit pinayagan ko na galawin mo ako. Nawala sa akin ang lahat."
Huminahon na si Trevor.
"Pano tayo nagkakilala?"
"Hindi tayo magkakilala." Nag-uuyam na tumawa si Trevor.
Alam ko ang ibig sabihin ng tawa niya. May pangdidiri itong tumingin sa akin.
Gumalaw si Dale. Maya-maya lang ay bumukas na ang mata niya. Agad ko syang nilapitan.
"Anak. Kamusta ang pakiramdam mo?" Marahan syang ngumiti.
"Mama ko.."
"Wait mo dito si mama ha. Tatawagin ko lang ang doktor."
Hindi ko pa nahahawakan ang seraduhan ng pinto ng bigla itong bumukas. Pumasok ang babaeng sobrang ganda.
May ngiti sa labing lumapit ito kay Trevor. Lumingkis siya sa lalaki at mapusok silang naghalikan.
Nag-iwas ako ng tingin.
Masakit pa rin pala. Lalo na harap-harapan ko silang nakikita.