"OKAY ka lang ba, hipag?" tanong ni Victoria Katherine na inaasikaso ang mga pamangkin na nagmistulang kambal. Bago pa nag-isang taon si Pierce Alejandro ay lumabas ang isa o Marcus Pierce. Ayaw naman nilang sabihing bunso ito dahil forty-six on lang ang babae at thirty-six ang higanteng kapre. Mabuti na nga lang at hindi iyakin ang mga ito. Basta busog sila ay walang problema. Kahit pa gising na gising sila ay tahimik lamang din. "Opo, Ate. Saka lagi naman po kayong nandiyan ni Camille. Kahit ang mga asawa sina Kuya Stanley at Kuya Eric," tugon nito. "Hipag, alam kong nahihirapan ka na rin dahil ikaw lang mag-isa sa mga anak ninyong maliliit. Idagdag pa ang asawa mo na wala yatang balak bumalik sa dating siya. Nandoon na naman sa kuwarto nila Mommy at Daddy." Pagkukuwento niya. Dah

