"MOM, DAD, are you watching us from above? Tama ba ang desisyon naming mag-asawa na pumayag sa kasalang naganap inside our relatives?" tanong ni Pierce Matteo habang nakaluhod sa puntod ng mga magulang. Nasa sementaryo pero hindi basta-basta ang bahay ng mga ito. Ginawa nila ang lahat upang maging maayos. Magkatabi man ang dalawang puntod ngunit may desinyo ring magkahawak-kamay. Kahit nga sabay-sabay ang dadalaw ay kasyang-kasya dahil sa malawak na spaces. "Tama ang asawa ko, Mom, Dad. Ayaw din naman naming maging katawa-tawa ang pamilya natin. Kaya't nang sumugod ang mga relatives natin upang hingin ang kani-kanilang kamay ay pumayag na kaming mag-asawa. Ang masaklap pa ay on the spot na ikinasal ng mahal na hari," dagdag pa ni Isabella na nakaluhod din sa tabi ng asawa. Ilang dekada

