"KUMUSTA po si Master PM, Madam Miller? Ah, nakonsensiya tuloy ako sa kasalukuyan nitong kalagayan," salubong na tanong sa kaniya ng personal ng bunsong anak.
Sa talento mayroon ito ay kahit wala ng bodyguard. Ngunit dahil na rin sa talentong iyon ay mas natatakot sila sa maaring mangyari. Kaya't ang bunsong apo ng dati niyang sniper o si Edward Anderson na kasabayang lumaki ay pinag-aral nila. Hahayaan sana nila itong magkaroon ng sariling pangalan. Kaso nagmana yata sa abuelong kahit takuting ibala sa secret weapon ng dungeon ay hindi iniwan ang kapwa bunso.
"Ligtas na siya sa panganib, anak. Ano ba kasi ang nangyari? Sa pagkakaalam ko naman ay may plano kayong nagtungong Madrid. Dahil ipinaalam na ang eroplano. Pero paano kayo makapunta roon samantalang nandito na sa pagamutan?" patanong din niyang sabi.
Kaso napatitig siya rito dahil sa malalim na hiningang pinakawalan. Ganoon pa man ay laking pasasalamat niya dahil kusa itong nagwika.
"Iyon na nga po, Madam Miller. Dahil ang balita namin kahapon ay tungkol sa pag-ibig ni Master PM. Ayon sa informant namin sa Madrid ay bukod sa ikinulong ni Mr Lopez si Miss Isabella ay nais pa raw ipakasal sa kasosyo sa negosyo. Alam naman nating lahat kung anong negosyo mayroon ito. Kaya't ang sabi ni Master magtungo kaming Madrid upang itakas ito. Kaso ang panahon ay hindi sumang-ayon."
Sa pag-aakalang tapos na ito sa pagkukuwento ay nagwika siya.
"Paanong hindi sumang-ayon ang panahon, anak? Bukod sa wala namang bagyo ay sigurado naman akong laging nakakundisyon ang eroplano. At isa pa, bakit kayo napadpad dito sa hospital?" sunod-sunod niyang tanong.
Kaso ang isa pang super loyal man ng anak ang nagpatuloy.
"It's not the way you think, Madam Miller. Kaya po kami nandito sa pagamutan. Dahil kung kailan paalis sana kami papuntang airport ay saka naman nawalan ng malay ang bossing namin. Ang inaalala namin ay baka lumala ang dati niyang sakit---"
Kaso ang asawa niyang kapwa walang maunawaan sa pinagsasabi ng mga kaharap o tauhan ng anak ay sumabad na rin.
"Wait lang mga Hijo. Wala akong maunawaan sa mga pahayag ninyo. Kami ng asawa ko ang magulang pero wala kaming kaalam-alam na may sakit pala ito. What is all about, guys?" tanong ni Mr Miller.
Dahil dito ay nagkatinginan ang ilang tauhan ng pasyenteng walang malat-tao. Wari'y sinasabing oras na ba upang ipagtapat sa magulang ng bossing nila ang tungkol sa itinatago nitong karamdaman. Kagaya sa mga naunang pagkakataon ay si Archy ang kumatawan sa mga kasama.
"Madam, Sir Miller, ako na ang magsasalita para sa amin ng mga kasamahan ko. Sa katunayan ay matagal ng may eye problem si Master PM. Kung napapansin n'yo po ay madalas nakasuot ng eye glasses. Kaya't kako hindi nakibagay ang panahon," pahayag niya.
Pero maaring nakapag-isip-isip na rin ang mga kasamahan ay sinang-ayunan siya ng lahat. Maaring anim lang silang laging kasa-kasama ng young master nila. Ngunit buong grupo ay nasa panig nito. Proven na proven ang katotohanang iyon.
"Akala ko ba ay eye protection glass ang suot-suot niya, Archy anak? Bukod sa problema sa mata, may iba pa ba siyang dinaramdam na lingid sa aming kaalaman?" Bakas sa boses ng Ginoo ang pagkabahala.
"Again, on behalf of our group, I will ask your forgiveness, Sir Miller. Total nandito tayo sa pagamutan ay ang doctor na lamang po ang tanungin ninyo ni Madam. Dahil ako na rin po ang nagsasabing tungkol lang po sa mata ng master namin ang aming nalalaman," muli niyang paliwanag.
"Okay. No problem. Kami na ang bahala ng Sir ninyo. Ngunit sa ngayon ay ako muna ang mag-utos sa inyo. Ilan sa inyo ang maiwan dito at ang iba ay magtungong Madrid upang alamin kung ano ang kaganapan doon. Lalong-lalo na ang tungkol sa kasintahan ng kapreng iyon. Hindi natin alam kung ano ang tunay na nangyari. Kaya't kailangan ninyong mag-ingat. Aba'y baka kami ang gawing bala ng new invented weapons ng master n'yo."
Pinagala ni Claire ang paningin sa mga nandoon. Kaya't kitang-kita niya ang reaksyon ng bawat isa. Wala siyang ibang mabanaag kundi pag-aalala sa bunso niyang anak. Sa katunayan tumango-tango ang mga ito sa kaniyang pahayag.
MADRID SPAIN
"ANO'NG kalokohan ito, Imelda? Ayon sa mga katulong ay kanina ka pa umiiyak. Ano ba ang problema mo?" may bahid ng pagkainis na tanong ni Ginoong Marcus Lopez sa asawa.
Kaso mas nainis siya dahil imbes na sagutin ang tanong niya ay iba ang salitang nanulas sa labi.
"Ngayong wala na ang anak natin ay maari bang hayaan mo rin akong umalis ng bahay, Marcus? Dahil sa kagagawan mo ay walang may gusto sa mga anak natin ang mag-stay dito sa Madrid. Maaring ang tatlong lalaki ay nakahawak sa naipundar mo ngunit rason lamang nila iyon upang hindi manirahan dito---"
"Ano ba, Imelda! Nasa loob ng silid niya si Isabella. Ang mga anak mong lalaki ay abala sa kani-kanilang trabaho. Kaya't maari bang huwag kang hangal?!" Malakas niyang pamumutol sa nais ipahayag ng asawa.
Subalit mukhang sinaniban ito ng bad spirit dahil imbes na matakot sa kaniya ay pinadapo ang palad sa pisngi niya.
"Maari bang mag-isip ka rin kahit paminsan-minsan, Marcus? Hindi ba talaga sumagi sa iyong isipan na kaya't ang bunso lang natin ang nagtagal dito sa piling natin? Ngunit wala na rin ngayon dahil sa kagagawan mo!" sigaw nito.
Wala naman sanang kaso ang paninigaw at pagsampal nito sa kaniya. Ngunit sa muli nitong pagkabanggit na wala na sa mansion nila ang bunsong anak na gagamitin sana sa paghila pabulusok sa anak ng sworn enemies niya ay talagang sinaniban siya ng masamang espirito.
"Siguraduhin mo lang na hindi pa nakalayo ang anak mong salawahan, Imelda! Dahil hindind-hindi kita mapapatawad oras na hindi maibalik ng mga tauhan ko ang walang kuwentang babae! Go away from me! Baka hindi ako makapagtimpi ay baka kung ano pa ang magawa ko sa iyo!"
Mula sa pananakal niya rito ay pabalya niya itong binitiwan. Kaya't napasadsad ito sa sahig. Dahil na rin sa galit na lumulukob sa kaniyang pagkatao ay siya na ang umalis.
'F*ck you both! You are both ungrateful, ingrate! Makikita ninyo ang maging epekto ng pagkalaban sa akin mga hay●p kayong mag-ina!' Ngitngit na ngitngit siyang pumanaog mula sa ikalawang palapag ng kabahayan.
Kung totoo man umalis o mas tamang sabihing tumakas ang walang-hiya niyang anak ay mayroong tumulong. Isa na roon ang asawa na himalang kumontra sa kaniya.
SAMANTALA mariing tinakpan ni Isabella ang bibig upang hindi lumabas ang pag-iyak. Dahil kitang-kita niya kung paano ibinalibag ng ama ang ina. Gustong-gusto niya itong lapitan at alalayan. Ngunit umiling-iling.
'Wait for me there, sweetheart,' sabi pa nito in a soundless motion.
Kaya naman ay wala siyang nagawa kundi ang sundin ito.
Makalipas ng ilang sandali. Kitang-kita niya kung paano ito pumasok sa kaniyang silid habang hawak-hawak ang baywang na maaring napuruhan.
Then...
"Go now, sweetheart. Siguradong wala na rito sa mansion ang Daddy mo. Huwag mo ng alalahanin ang iyong trabaho. Dahil ako ang magpapasa sa sulat mo," kaagad nitong wika nang nakapasok at lumapit sa pinagtaguan niya.
"Pero paano ka rito, Mommy? Sinakal ka nga ni Daddy. Paano na lang kung malaman niyang ikaw ang nagpatakas sa akin?" tanong niya.
"Huwag mo akong alalahanin, anak. Basta tandaan mo ang bilin ko sa iyo. Magpakalayo-layo ka ng Spain. Dahil kung hindi mo iyan gagawin ay mahahanap ka ng Daddy mo. Ngunit iwasan mo ang mga bansa na kinaroroonan ng iyong mga big brothers." Umiling-iling nga ito habang hawak-hawak ang mga palad niya.
Kaso hindi siya kaagad kumilos. Dahil sa katunayan ay nag-aalala siya sa maaring kahinatnan ng inang maiiwan.
"Ano ba, anak?! Please, go now, my child. Oras na hindi ka makaalis ngayong araw ay mas mahihirapan ka ng isagawa iyan. Huwag mong alalahanin ang mga guwardiya dahil kinausap ko na sila. Ang sabi ay ngayon mapagtakpan ka nila ngunit oras na hindi ka matuloy ay wala silang magagawa pa. Kaya't parang-awa mo na, sweetheart." Tinig nito ang nagpabalik sa kaniyang kamalayan.
Kaya naman ay yumakap siya ng mahigpit bago binalingan ang katamtamang maleta na naglalaman ng mahalaga niyang gamit. Kaso kung kailan siya nagsimulang lumakad ay humabol ang ina.
"Let your child see the beauty of the world, sweetheart. Siguradong siya ang magiging ilaw mo balang-araw. At ako na ang nagsasabing huwag mong kamuhian ang ama niya. Dahil wala itong kasalanan. He is younger than you for almost eleven years. Ibig sabihin ay wala pa kayo sa mundo noong nangyari ang lahat.
At isa pa ay hindi ninyo kasalanang dalawa ang maging anak namin. Nagkataon lamang na anak siya ng mga mag-asawang Miller na public servants at anak ka namin ng Daddy mo na mayroong itinatagong sekreto. Always remember that Mommy loves you, sweetheart. Go now and live your life accordingly far from Spain."
Ano ba iyan!
Pinapaalis mo na nga ay nalatula ka naman!
Kaya naman ay muling yumakap si Isabella sa ina. Ngunit isinilid naman sa bulsa niya ang kahit hindi niya tingnan ay ATM.
"Mom---"
"Magagamit mo iyan ng matagal anak. Sariling ipon ko ang laman. Huwag kang mag-alala dahil hindi alam ng Daddy mo. Take care of yourself from now on---"
"Now or never, sweetheart. Go now. Umalis ka na bago makatunog ang Daddy mo. Use the secret passage. Huwag kang dumaan sa main living room upang maiwasan mong makasalubong ang kahit sino. Move!"
Sa pananalita pa lamang nito ay siguradong may paparating. Kaya't hindi na rin siya nagsayang ng oras. Wala siyang balak magpamanipula sa ama. Kung kinakailangang siya ang susugod sa United Kingdom ay gagawin niya upang makausap ang kasintahan lalo at may buhay sa kaniyang sinapupunan.
'Father God in heaven, please watch over me and my child. I will spend my life repenting for being ungrateful to my parents.' Taimtim niyang panalangin habang tinatahak ang sekretong daan palabas ng mansion nila.
UNITED KINGDOM
"Mom, Dad..." tawag ni Pierce Matteo sa mga magulang.
'D@rn! Nalaman na ba nila ang tungkol sa panlalabo ng mga mata ko?' aniya sa isipan.
"Yes, my child. May gusto ka bang inumin o kainin? Ah, how's your feeling? Ipapatawag ko ba ang doctor?" sunod-sunod na tanong ng ama.
Kaso lihim naman siyang napangiwi dahil sa tinuran ng ina.
"Kailan ka pa magtatapat sa amin ng Daddy mo tungkol sa tunay mong sakit? Kahit yata ang doctor ay kakutsaba mo. Gusto mo bang matuluyan na ako dahil sa pag-aalala sa iyo? Aba'y sabihin mo lang at ako mismo ang magpresentang gawin mong magazine ng mga nasa dungeon!"
Kung ang mahal niyang ama ay malumanay ang pagtanong sa kaniya ay kabaliktaran naman ng ina. Dahil kahit nasa pagamutan sila ay hindi naging sagabal upang hindi siya pagtaasan ng boses!
Tuloy!
Hindi niya naitago ang pagngiwi!
Kaso!
"Isa! Aba'y mukhang wala kang balak magsalita ah!"
"Wifey, huwag ka ng magalit---"
"Huwag kang magulo, hubby! Dahil ang kapreng iyan ang kausap ko."
"Dalawa! Pagsapit ng ikatlo kong bilang at wala pa akong marinig na sagot mula sa iyo ay talagang sa mga Uncle mo sa Pilipinas ang bagsak mo! Kapag mangyari iyon ay mas hindi mo makikita ang iyong kasintahan!"
Iyon na nga!
Mayroon ng threats!
Nasa pagamutan siya ngunit hindi imbalido! Kaya't bago pa sambitin ng ina ang pangatlong bilang ay patalon na siyang bumaba sa hospital bed. May edad na ang mahal niyang ina. Ngunit mapalipad pa siya nito sa unang pagkakataon kapag ganoon ang boses.
"Mommy, huwag ka ng magalit. Alam kong walang sinabi ang mga tauhan ko. Ngunit tungkol sa doktor ay wala akong kaalam-alam kung bakit hindi ipinagtapat sa inyo ni Daddy ang natuklasan. Ipasundo mo na ang Mi Amore ko. Please, Mommy."
Pa-bebe na kung pa-bebe!
Dahil ang mahalaga ay maapula niya ang galit ng mahal na ina. Maaring ruthless at stubborn man siya. Ngunit pagdating sa magulang ay tupa siya! Hindi sa ayaw niyang magtungong Pilipinas kung saan nagmula ang ina. Ngunit mas magmumukha siyang bata sa kabila ng tangkad niya. Dahil mga pamangkin talaga ang kaedaran niya. Kagaya rin sa mga kapatid niya ay mas matanda ang karamihan sa mga ito. Mabuti na lang at sa Thailand ang kapatid na babae.
Whatever!
Hindi siya masamang tao pagdating sa mga ito!
Kaso!
Nag-isang linya ang kanilang paningin ng may nagsalita sa pintuan ng private room ng hospital kung saan sila naroon!
At ganoon na lamang ang panlalaki ng kanilang mata nang napagsino ang dumating!