"MGA ANAK ko sila, Your Majesty. Pero hindi ko maaring pakialaman ang personal nilang buhay. Kung gusto mo ay pauwiin ko silang lahat ngayon at sila ang kausapin mo." Umiling-iling si Pierce Matteo dahil ang pahayag ng hari na kaedaran ng panganay niyang lalaki ay nais ipasok sa korte ang mga babae. Ayon dito ay mayroong bagong ilulunsad na batas. Ngunit kailangang mga babae ang gagawa. Dahil ang asawa nito o abg reyna ang hahawak. Subalit dahil hindi maaring basta-basta magtitiwala sa mga taga-palasyo ay kailangan nito ang tulong ng mga anak niyang sutil! Kaso! "Papa, Your Majesty, pasensiya na kayo kung muli kaming pumasok ni twin sister. Huwag n'yo ng hanapin ang mga gurang. Dahil bumalik ma sila sa Espanya. Itutuloy daw nila ang paggapang kina Sam at balo." "Your Majesty, seriousl

