"OKAY ka lang ba talaga rito, anak? Aba'y kung hindi pa nangulit ang Grandpa King ninyo na sumama ako rito ay hindi ko malalamang under-bullying ka na pala," ani Pierce Matteo sa anak o si Max Alejandro. "Bullying is everywhere, Papa. Kaya lang naman ako hindi nagsasalita ay ayaw kong magkalamat amg aking record dito," tugon nito. "Alam ko iyan, anak. Ngunit, at least magawan man lang sana namin ng Mommy mo ng paraan. Dahil alam ko kung gaano mo kamahal ang iyong pag-aaral. How can you concentrate your studies if you are thinking of something else?" saad niyang muli. Isa iyon sa traits ng kaniyang mga anak na masasabi niyang naipasa niya. Enduring is the best way to move forward. Dahil kahit nalalaman nilang may pinagdadaanan sila ay walang sinasabi ang mga ito. Ang triplets niyang anak

