NANG MAKITANG nakatitig si Samuel sa kaniya ay nabakas sa mata nito ang kagustuhang magkaroon din ito g anak. Sabagay sa edad nito ay kailangan na iyon lalo pa at mag-isa na lamang ito sa buhay. "Baka langgamin kayo sa lagkit ng titigan ninyo.." pasimpleng untak ni Haidee na kanina pa pala kinakausap siya. Bumaling siya rito at kita sa mukha ang pangangantiyaw sa kaniya. "Oh heto na ang junakis mo. Mother na mother lang ang peg.." balik rito na kinatawa naman nito. Naging maayos ang kasal at maging ang reception. Napuno nang kasiyahan ang buong paligid ngunit sa likod noon ay ang pananabik ng isang buong pamilya. Para kay Sundee at ramdam rin niya iyon kay Samuel. Nang pauwi sila ay wala silang imikang dalawa habang lulan ng sasakyan ng lalaki. Pati yata paglunok niya ay dinig na nito

