NAPAMAANG NA lamang si Sundee ng makitang nagkakamay ang lalaki. Halos nakanganga siya nakatingin rito ng mag-angat ito ng tingin. Ngumiti ito sa kaniya. "Ayaw mo ba ng bisugo, masarap iyan huwag mo lang hahalikan.." ulit nito sa sinabi ni Salve. Bungisngis ng kapatid na si Mich na halos hindi mapigilan ang labis na tawa ang bumasag na namumuong tinginan nila ni Samuel. "Kuya..subuan mo kasi.." tudyo pa ni Mich sa kanila. "Mich.." saway sa kapatid. Ngunit di niya inaasahang susubuan nga siya nito matapos siyang himayan nito ng isda. "Ayeeehhh.." isahang wika ng tatlong kasama sa hapag. Wala siyang nagawa kundi ang isubo iyon. Halos hindi sila nakakain sa kakulitan ng mga kasama at palagiang panunukso sa kanila. Matapos silang kumain ay nakipanood pa ang kapatid kina Salve at manang Ca

