NAPANGITI si Sundee ng makita ang larawang kuha ni Mich. Mukhang sa larawang iyon ay talagang tila may nangyari nga sa kanila. "Ate ha!" Sawata ni Mich ng makitang nakangisi siya. "Baka magalit si kuya nito eh.." alala nito na tila takot sa magiging reaksyon ng tulog na tulog na lalaki. "Huwag kang mag-alala. Hindi kita idadamay rito.." aniya na nakangiti. "Saan mo kasi gagamitin iyan?" Tanong pa nito. "Basta.." aniya saka hinila ito papalabas ng silid ni Samuel. "BRO, WHAT THE engagement?" Agad na tanong ni Samuel sa kaibigang si Onofre. Nang puntahan ito sa bar na pag-aari nito at ng kaibigang kasosyo. "Just planning dude. Di ko pa nga alam kung papaano.." anito na kinatawa niya. "Thats new. Di ba matinik ka sa babae, bakit mukhang nawawala yata ng bisa ang pagiging chickboy mo

