MABILIS NA PUMASOK si Samuel sa sasakyan nito. Saka pinasak ang bluetooth sa tainga at tinawagan si Carlos. "Hello Carlos. Can you pick up Sundee's car at the first intersection from our office going to my place. Oo, binabantayan ng enforcer. Okay, thanks.." anito saka tumahimik. Nakasimangot lamang si Sundee at naiinis sa lalaking katabi. Hindi niya alam kung bakit kahit inis na inis na siya rito ay nagagawa siya nitong pasunurin. "Saan mo ako dadalhin?" Malamig na tanong rito. "Sa bahay." Tipid na tanong nito. "Anong gagawin ko naman sa bahay mo!" Irap dito. "Susunduin natin ang kapatid mo." Sagot naman nito. "Ano? So, saan naman tayo pupuntang tatlo!" Agad na sabad. Para lamang silang tanga na isang tanong isang sagot din. "Dahil aalis tayo?" Papilosopong wika ni Samuel saka nap

