Chapter 2

1252 Words
Umupo na si Tiffany ng makitang nakaalis na ng tuluyan ang pisti nyang ex. Hindi nya alam ang mararamdaman nya, she is partly ashamed, irritated and sad. Dati rati sya ang kasa kasamang pumupunta niyon sa mga parties na katulad nito. Samantalang ngayon, isa nalang syang nakaraan para doon. Muling nanumbalik ang mga alaala niyon sakanya na ikinalungkot nya lalo. Kung papaano sya nito tignan noon na wari mo'y walang pakialam kung ano pa man ang maging itsura nya. Kung paano mag lambing at kung paano niya ibinigay ang kanyang pagkababae dito. Naikuyom ni Tiffany ang kanyang palad at tuluyang tumulo ang kanyang mga luha. Bumaling sya ng tingin palayo para hindi makita ng kanyang bestfriend ang kanyang itsura dahil baka malungkot iyon, bahagya nyang pinunasan ng kanyang daliri ang sumingit na luha. Nagulat sya ng may humarang na puting panyo sa kanyang mukha galing sa kanyang tabi. Ang bango naman ng kamay. Sa isip isip nya. Kinuha nya iyon ng di tumitingin at saka idinampi sakanyan pisngi. Ng titignan na nya ang nag abot niyon para sana pasalamatan ay nagulat sya na si Mason pala. Tumibok ng pagkabilis ang kanyang puso at para na syang hihimatayin. Tangina nakakahiya. Hindi na muna sya nakipag usap dito dahil seryoso din nitong pinapanuod ang mga mangangantang inarkila ng bagong kasal. Ngiting ngiti si Tobby hahang papalapit sakanila para umupo sa bakanteng silya sa kanyang tabi kasama ang girlfriend niyon. Di naman pala maganda, mukhang pusa. Kingina mas sexy pa ko dyan ngayon. Sabagay baboy kasi ako noon baka kaya din ako iniwan. Sa isip isip ni Tiffany. Nakita nya sa gilid nya na tinanggal ni Mason ang pagka halukipkip at medyo iniabante ang upuan para makadaan sila Tobby. "Lady, come closer to me. Give them way wag kang bitter." Seryosong turan ni Mason sakanya ng nasa likuran na nila ang dalawang magkasintahan. Hindi nya malaman kung bakit kusang gumalaw ang kanyang katawan para iusog kay Mason ang kanyang upuan, "Good." Narinig nyang bulong nito. Maya maya ay kinuhanan ng picture ang lahat at ang mga magkakapereha na mga bridesmaid at groomsmen. Tumayo na sila ni Mason para makuhanan ng picture kasama ang bagong kasal. Alam nyang naglalaway na ngayon sa kanya si Tobby lalo ng tumayo sya dahil kitang kita ang kurba ng kanyang katawan. Saktong pag tayo ay inihalad ni Mason ang kamay sa kanya para alalayan sya. Wala man lang itong ka ngiti ngiti. Shit ang gwapo mo parin. Problema lang may pagka demonyo ka. Kung di lang siguro ako maid of honor ngayon for sure sinisigaw sigawan mo lang ako. Wala sa sariling binigay niya ang kanyang kamay dito at naramdaman nya ang pagpisil ni Mason sa kanyang kamay, inilipat niyon ang kamay sa kabilang kamay niya para hawakan ang kanyang baywang. Napasinghap si Tiff sa katabi. Bolta boltaheng kuryente ang dumaloy sa kanyang buong katawan. Nakita nyang tumingin lang sakanya si Mason, aggressive ang ekspresyon nito. Lalo syang kamuntik na himatayin ng ibaba ni Mason ang hawak sa kanyang baywang na halos nakahawak na sakanyang pang upo. She turned stiff. "Come on Tiffany, I'm just saving you from your Misery from your ex. Di hamak naman maganda ka sa ipinalit sayo. Let him regret leaving you." Bulong ni Mason sa tenga nya. Ramdam na ramdam nya ang init ng hininga nito. F***. Hindi na nga nya maisip si Tobby sa ginagawa ni Mason sakanya. Tumingin sya sa mata nito at bahagyang tumango. "Let him make his moves to get you back." Ahhh. Kaya pala ginagawa nito iyon para tulungan syang balikan ng kanyang Ex. I See. Tignan natin mangyayari.  Sumulyap pa syang bahagya kay Tobby ng nakatayo na sila sa tabi ni Nica, kitang kita ang disappointment sa mukha niyon na nakatingin sa kanya. She felt a bit better. Sa unang pagkakataon sa event na yon ay napangiti din sya. Nasa tabi naman ni Lee si Mason and also Posing such a gorgeous smile. Dyos namin, ang gugwapo naman ng magkapatid na ito. Napatingin naman sya sa baba at andon ang kanilang baby na si Lhea na walang ginawa kundi magpacute sa camera. Pinisil ni Nica ang kanyang kamay at saka nginitian sya. "You'll be fine, let Tobby die of anger of himself." Anito sakanya. "Bahala sya sa buhay nya at sa girlfriend nyang mukhang pato." sabay na humagikgik sila. "Oh kayo naman ng Bestman." Sabi sa kanya ni Nica at saka inabot ang kamay nya sa papalapit na si Mason. Muling kumabog ng pagkalakas ang kanyang dibdib dahil sa napaka seryosong tingin nito sakanya. Oh shit nakakatunaw ka Mason. Lumunok sya ng sunud sunod ng mahawakan ni Mason ang kanyang kamay. Tumayo ito sa tabi nya at saka ipinalupot nito ang kanyang braso sa katawan nya at inilagay ang kamay nito sa baywang nya. "Hey, relax, you're so stiff." Nakakunot ang noong sabi nito sakanya na mukhang naiirita na. Kinalma ni Tiff ang kanyang sarili at humilig kay Mason, ramdam nya ang lalong pagkapit nito sa kanyang baywang at dahandahan syang idinikit sa katawan nito. F***, why is it so hot dito. Nakaka hilo tuloy. Tiffany felt really hot ng gawin iyon ni Mason, amoy na amoy nya ang pabango nito at dinig niya ang pag hinga at nararamdaman ang pag galaw ng dibdib ni Mason. Hearing his heartbeat calm her na hindi nya maintindihan kung bakit. She smiled on the camera and the camera flash twice for them. 3 minutes of heaven. Hindi maipinta ang mukha ni Tobby ng makabalik sila ni Mason sa mesa na nakahawak ito sa kanyang baywang at hinila pa ang upuan para sakanya. Gentleman. Syempre aware naman sya na ginagawa ni Mason iyon pakitang tao lang at isa pa para ipakita kay Tobby. Napangiti naman sya dito, may natatago palang kabaitan to eh. Napangiti sya sa kanyang iniisip. Ng umupo si Mason ay sumandal ito at ramdam nyang magka dikit sila ngayon ng balikat. Tumingin sya kay Nica na nakatingin din pala sa kanya. Ngiting ngiti ito sakanya na animo'y may gustong sabihin. Di man sabihin ni Nica ay alam na ni Tiff ang iniisip nyon. Bumulong sya dito. Magsitigil ka. Nakita nyang natawa ang kanyang kaibigan kaya natawa din sya. "You look crazy smiling by yourself do you know that?" Naiiritang sabi sa kanya ni Mason. Napatigil sya sa kanyang mahinang pagtawa. Killjoy ka nyeta. Buti nalang nakita nya si Lhea na paparating. Nginitian nya ito at saka bumaling kay Mason ng nakangiti. "Now I don't smile by myself, do I still  look crazy?" Nakita nyang tinaasan sya ng kilay nito at saka umiling ng marahan. Pumunta sa side ni Mason si Lhea na ngayon ay tatlo na silang nagngingitian. "Tita can you open this? Lola said it's for me." saka nito inabot ang isang maliit na box na wari nya ay alahas ang laman. Inabot nya iyon at dahil nasa side ni Mason si Lhea, she had to cross her hand over him. Tumama pa ang kanyang balikat sa dibdib nito. Tila napaso sya ng maramdaman ang dibdib ni Mason at saka mabilis na inalis ang kanyang braso at kinuha ang inaabot ng bata. Tama ang kanyang iniisip dahil ng buksan iyon ay isang singsing na pang bata ang laman. Napangiti sya ng makita iyon pero nawala agad ang ngiti nya ng naramdaman na kinuha ni Mason ang laman ng kahon. "Here, let me put this on your finger." Sabi ni Mason at saka kinuha ng maingat ang daliri ni Lhea. Ang sweet na Tito. Sa Isip isip naman ni Lhea.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD