CHAPTER 2

1063 Words
Chapter 2: Comfortable YRON's P.O.V Nang makarating kami sa mansyon ay nakita ko ang pagkamangha sa mga mata ni Kianna kaya napangiti ako ng palihim. Pumasok kami sa loob at nakita kong di siya makapaniwala sa mga nakikita niya. "Kuya sigurado kabang kwarto ko 'to?!" nakangiti na tanong niya sakin ng ituro ko sa kanya ang magiging kwarto niya at dahil isa ang Leizuire family sa mga pinaka mayamang tao sa mundo ay napagawan ng maganda at malaking kwarto si Kianna sa mansyon. "Oo nabanggit kasi ni Dad sa mga gumawa ng kwarto mo na mahilig ka sa stitch kaya lahat ng design at gamit sa kwarto mo ay puro stitch." seryosong sabi ko sa kanya kaya nagulat ako ng bigla nya akong niyakap at nang mamalayan ko ang sarili kong yayakap pabalik sa kanya ay agad kong nilagay sa likuran ko ang mga kamay ko. "Salamat kuya! A-ang saya ko po!" sabi niya saka ngumiti sakin. Nakita ko ang lungkot sa mga mata niya kaya napakunot noo ako. "Why are you teary eyed?" takang tanong ko sa kanya dahilan para tuluyan ng bumuhos ang luha niya at di ko alam kung bakit ako nakakaramdam ng lungkot sa puso ko. "K-kasi s-si mommy lang ang nakakagawa n-ng ganito sakin. S-salamat k-kasi tinanggap niyo ko nila D-daddy at K-kuya Yros." humihikbing sabi niya kaya napabuntong-hininga ako saka ginulo ang buhok niyang maiksi lang. Umupo ako sa harap niya para mapantayan sya saka ko pinunasan ang luha niya gamit ang mga hinlalaki ko. "Stop crying, you look like an idiot. It makes you look uglier." sabi ko sa kanya kaya napahagikgik siya. "Thank you kuya, kahit di niyo naman sabihin sakin alam ko namang tanggap niyo ko eh." sabi niya saka ko tumayo at saka siya tumigil sa pag-iyak. "Magbihis kana okay? Nandyan na ang mga bagong damit mo, magpapalit muna ko ng damit ko para makapagpahinga na tayong pareho." sabi ko saka pumunta sa kwarto ko at naligo matapos nun ay nagpasya na akong magbihis at tanging suot ko lang ay boxer shorts at saka ko pinatuyo ang buhok ko gamit ang tuwalya na nasa leeg ko ng marinig kong may kumatok sa kwarto ko kaya binuksan ko yun ng makita ko si Kianna na naka Blue na t-shirt na may Stitch na design habang nakapajama siya na kulay pink na bulaklakin. Baduy man pero para sakin ang cute nyang tingnan ngunit kumunot ang noo ko ng mapansin ko kung saan sya nakatingin! Shit! she was staring at my goddamn abs! Nakaramdam ako ng pamumula ng mukha kaya tumikhim ako para maagaw ang atensyon nya at di naman ako nabigo dahil bigla syang tumingin sakin. "Why are you looking at my body? You didn't know that you're almost drooling." nakangising sabi ko kaya napahawak si Kianna sa magkabilang pisngi niya ng makita kong pinamulahan sya ng mukha. "K-kuya! H-hindi noh! N-nagugutom kasi ako! T-tama nagugutom ako kaya ko pumunta dito hehe." sabi niya ng nauutal kaya napailing-iling nalang ako. Sanay kasi ako ng nakatopless pero dahil may babae na sa bahay ay naisip kong magsuot ng t-shirt saka ako lumabas ng kwarto at saka siya hinila sa braso niya at saka kami pumunta ng kusina. "Anong gagawin natin dito kuya?" sabi niya na parang walang muwang kaya pinipigilan ko ang mapangiti. "I will cook for you." sabi ko saka kumuha ng mga sangkap sa ref at saka nagsimulang maghiwa. "Talaga kuya?! Buti kapa marunong magluto." nakangusong sabi niya kaya nag focus nalang ako sa paghihimay ng mga sangkap. "By the way, I still don't have any idea what happened to Tita Kira, mind to share it with me?" sabi ko sa kanya kaya natahimik siya at napakagat sa daliri niya dahilan para matigilan ako sa ginagawa ko. "M-may sakit kasi si Mommy, may lung cancer sya tapos di niya na kinaya. Nung una natakot ako kasi wala na kaming ibang kamag-anak ni Mommy. Kaya nga ang saya ko ng sinabi ni Daddy na dito na ako titira kasama kayo ni Kuya Yros. Alam ko namang may anak si Daddy sa unang asawa niya kaso di ko pa kayo nun nakita kaya nga ang saya ko ng makita kayo sa personal eh. Masaya palang magkaroon ng kambal na kuya." sabi niya kaya naman napalunok ako saka humarap sa kanya. "Hmm, how about your biological father?" tanong ko kaya naman nakita kong napanguso sya lalo at tumingin sa taas na parang nag-iisip. "Ang alam ko five years old ako nang mamatay si Papa kasi yun ang sinabi ni Mommy sakin." sabi niya kaya napatango-tango ako saka nagsimulang mag luto. Nakita ko namang sa bawat paggalaw ko ay pinagmamasdan niya ako at nang matapos na ko ay hinainan ko sya sa harapan niya at nakita kong nanlaki ang mata niya. "W-wow! Kuya anong tawag sa pagkain na yan?!" nakangiti na sabi niya kaya naman tumayo ako ng tuwid at tiningnan sya ng seryoso. "That's what we called Teramisu." sabi ko sa kanya. Di niya na ako pinansin at agad syang nagsandok ng maliit sa kutsara niya saka iyon sinubo sa bibig niya. Nakita kong sumeryoso ang mukha niya na parang pinag-aaralan ang lasa ng luto ko. "Ang saraaaap!" mahabang lintanya nya kaya napangisi ako ng makita kong natigilan siya habang nakatingin sakin. "Ang gwapo..." mahinang turan nya saka muling kumain. Lalo kong napangisi dahil alam kong ako ang sinasabihan niya. "I know that I'm so handsome so no need to mention that." mayabang na sabi ko sa kanya dahilan para mabulunan sya at dali dali ko namang nilagyan ng tubig sa baso saka binigay sa kanya. "Alam mo kuya Yron di ka lang suplado, mahangin ka din." natatawa na turan niya kaya nag poker-faced ako sa kanya. "What?! I'm just saying the fact, so don't argue with me okay?" sabi ko sa kanya narinig ko namang natawa sya sa sinabi ko. "Tsk. You idiot!" naiinis na sabi ko saka ko siya iniwan sa kusina ngunit naramdaman kong hinila niya ang T-shirt ko kaya napalingon ako sa kanya sa likuran ko. "What idiot? You need something?" salubong ang kilay na turan ko sa kanya. Nakita ko naman na napasimangot siya. "Kuya wala bang sasama sakin bukas sa school? Di kasi ako makakapagenroll pag wala kong kasama eh." malungkot na sabi niya kaya napaharap ako sa kanya. Napabuntong hininga ako bago sya tinabunan ng tingin. "Fine I will go with you... Kia." sabi ko sa kanya saka ko siya muling tinalikuran at saka ko bumalik sa kwarto ko. That's the first time I gave her a nickname. --- To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD