Chapter 13: Palawan KIANNA's P.O.V Gabi na nang makauwi kami Kuya Yron sa mansyon ng makita namin si % Chiko at Kuya Yros sa kusina. Mukhang naglalambingan ang dalawa dahil nakita kong nakayakap si Kuya Yros sa likuran ni Ate Chiko. Napatingin naman ako kay Kuya Yron na nakangisi sakin saka sya malakas na tumikhim ang nakita kong napangiti si Ate Chiko at Kuya Yros ng makita kami. "Mabuti naman ang nakauwi na kayo." parang nangangaral na turan ni Kuya Yros kaya naman natawa ako. "Kuya may dala kong Chocolate at Strawberries! Bigay sakin ni Kuya Yron." nakangiti na turan ko saka inabot ang plastic bags kay kuya Yros. "Ang sweet mo naman Ana, kahit kasama ko na si Kuya Yron mo naiisip mo parin ako kaya mahal na mahal kita eh." sabi ni Kuya Yros at akmang yayakapin ako ng bigla kong hila