bc

My Prof Owns Me

book_age16+
20.5K
FOLLOW
101.0K
READ
forbidden
possessive
teacherxstudent
age gap
arrogant
dominant
drama
comedy
bxg
love at the first sight
like
intro-logo
Blurb

Hindi naniniwala sa love at first sight si Aaden at malaki rin ang galit niya sa mga babae. Ngunit sa isang aksidente ay nakatagpo niya ang isang magandang dalaga na siyang tanging nagpatibok ng mabilis kanyang puso. Sinubukan niyang takutin ito dahil sa aksidenteng nagawa nito upang balaking maging kanya ito. Ngunit mautak ang dalaga at natakasan siya. Balak niyang hanapin ito ngunit dahil sa i.d na naiwan nito ay natuklasan niyang sa paaralang na pag-mamay-ari niya ito nag-aaral. Isang malaking ngisi ang namutawi sa binata. He's planning to become her possessive prof.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
“Grabe talaga itong kuya ko at iniwan na naman ako. Hay! Kailangan ko na naman tuloy mag lakad nang malayo! Ayaw naman mag-tricycle at mababawasan ‘yong baon ko,” kunot ang noo at tila nais maiyak sa inis na saad ng 19 years old na second year college student na si Keizha Alonte. Pinahid niya ang kanang palad sa kanyang noo upang alisin ang pawis na namuo roon dahil sa init ng araw. Pakiramdam niya ay napakamalas niya at naiwan pa ang payong sa bahay sa sobrang pagmamadali. May sasakyan naman sila kahit ‘di naman mayaman at nakakaraos lang sa buhay. Kaya lang ang nagda-drive ay ang peste niyang kuya na si Keith Alonte. Lagi sya nitong iniiwan pagpapasok dahil ang bagal daw niya at may aayusin pa sa school. Fourth year college na ang kuya niya at kumukuha ng Accounting. Siya naman ay B.S. Education. Pangarap kasi niyang mag-teacher dahil likas siyang mahilig sa bata.  Sa inip niya sa haba ng nilalakad ay nilibang niya ang sarili sa pagsipa ng mga bato at kung ano pa. Napalakas niyang nasipa ang isa sa medyo may kalakihang bato. Ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata niya nang may dumating na sasakyan. Saktong lumanding ang sinipa niyang bato sa salamin ng paparating na bagong kotse at tumama sa mismong tapat ng driver seat.  Kitang kita niya ang naging lamat sa salamin ng kotse dulot ng pagtama rito ng bato . Mayamaya pa ay hininto ng kung sino mang nagda-drive ang kotse. Malakas siyang sumipa talaga, dahil mahilig siya sa sports noong high school. Itinigil nga lang niya dahil nagagalit ang mga magulang niya sa inuubos niyang oras dito at para na raw siyang lalaki. Ganoon na lang ang kaba niya nang huminto ito mismo sa tapat niya at tila nag-slow motion ang paligid niya nang makitang bumukas ang pinto sa driver's seat. Napapikit mata siya sa takot at yumuko. Naramdaman niyang lumapit ang kung sino mang may-ari ng kotse. Naramdaman din niya ang malalim na pagbuntong hininga nito sa mismong tapat niya. “Can’t you see what you have done? Bago lang kotse ko nilamatan mo na,” tila galit na saad ng isang boses lalaki. “Huwag kang yumuko at nakikipag-usap ako sa ‘yo!” tila galit na talagang sabi nito. Hindi siya tumingala at natatakot na talaga.  “Tsk! Hindi ka man lang ba magso-sorry?” tila naiinis nitong sabi. “Sorry...” mahinang sambit ni Keizha. Sapat lang ito para marinig ng lalaki sa harapan niya.  “Is that the right attitude, huh? You should look at me while saying sorry.” Tila nagpipigil ng galit na sabi nito dahil ‘di makita ang mukha ng kausap na dumisgrasya sa bago niyang sasakyan. Pinagsalikop ni Keizha ang namamasa na sa pawis na mga kamay. Sa ginawa niya na wari mo’y nagmamakaawa pero ‘di pa rin tumitingala. “Sorry po talaga, ‘di ko sinasadya,” mahina pa rin niyang sabi. “Titingala ka ba o ako mismo magtitingala sa ‘yo?” banta nito kay Keizha. Hindi pa rin tumitingala si Keizha kahit binantaan pa ng lalaki.  “Until count of three at hindi ka pa rin tumingala humanda ka sa akin. One!” “Two.” Wala pa ring kibo si Keizha at naiiyak na sa nangyayari. “Three!” Hinawakan ng lalaki ang magkabilang pisngi ni Keizha at dahan-dahang pinihit ito paharap sa kanya dahil ‘di hamak na malayo ang tangkad niya rito. Tila nag-slow motion ang lahat at napalaki ang mata ng bawat isa.   Ganoon na lang ang paglaki ng mata ng lalaki nang makita kung gaano kaganda ang kaharap ngayon. Tila napipi ito at ‘di  na nakapagsalita pa. Si Keizha naman ay namilog ang mata dahil tila ang isang Greek god ang nasa harapan niya ngayon. Kung alam lang niya ay kanina pa niya ito hinarap. Napakurap-kurap ng mata si Keizha nang maramdaman ang palapit  na palapit na mukha ng lalaking kaharap. Nang halos maglapat na ang labi nila ay tila siya nagising at tinulak ito. “Teka, Mister! Ano’ng ginagawa mo?!” bulyaw niya rito.  “Sinisingil ka?!” nakangising sabi nito. “Ha? Hotdog, cheesedog, tatay mo sabog! “ bulong niyang wika rito. “Ano’ng sabi mo?” Hindi gaanong naulinigan ng lalaking kaharap ang mga sinabi niyang kalokohan. “Buti na lang bingi!” Nagdiriwang ang isip na sabi na bulong ng dalaga. Puro kase kalokohan nasa isip niya kahit nasa panganib na. “Pero wala po akong perang pambayad. Estudyante lang po ako,” tila nagpaapaawang sumamo ni Keizha.  “Yah! Kaya nga sa ganitong paraan kita sinisingil, eh!”  nakangisi pa ring sabi nito. Naalala ni Keizha ang muntikan nitong paghalik sa kanya. Ah! Siguro ‘yon ang gusto niyang bayad. What? Teka no! Virgin lips pa to, ‘no? Kahit guwapo pa siya, ‘di ako basta-basta, huh! Nasa isip ni Keizha.  “Teka lang, Mister! Kakakilala pa lang natin, ha!” Napaatras si Keizha nang titigan siya nang matiim ng kaharap. “Diyos ko, nakakalusaw naman itong tumingin at parang gusto ako lunukin ng buo.” Napalunok si Keizha nasasa-isip. Ngunit tila lalong naakit ang lalaki sa ginawang paglunok ni Keizha. Muling dahan-dahan na namang  lumapit ito kay Keizha na kinaatras ng dalaga. Hanggang sa na-corner siya nito sa pader.  “My beautiful, Señorita..You're mine now! Mine!” madiing sabi nito.  “Hanudaw, Señorita? Ano ko saging? Nasa sa isip ni Keizha at ‘di maibulaslas dahil baka lalong magalit ang lalaking kaharap. Nakarinig silang bigla ng busina ng sasakyan. Bumukas ang bintana nito at nakita niya kung sino ang may-ari. Ang buwisit lang niyang manliligaw. “May problema ba riyan, My Loves?” tila nagtatakang tanong nito. Tila ngayon lang siya natuwa sa presensya nito.  “Ah?! Wala, nag-uusap lang kami! Pasabay ako, ha?!” sigaw niya rito at mabilis itong pinuntahan at sumakay sa kotse nito. Tutal doon din naman ito nag-aaral sa eskuwelahan na pinapasukan niya. Tila nabigla ang gwapong lalaki sa nangyari at noon lang nakarekober. “Wait! Where are you going my, Señorita?” habol nito sa papaandar na sasakyan. Saktong nakabukas ang bintana kaya narinig ng dalaga. “Hindi ka pa nakakabayad sa akin!” sigaw nito.  “Saka na lang ‘pag nagkita tayo ulit!” sigaw niya rito. “Iyon ay kung magkikita pa tayo!” Mahina siyang natawa.  “Kilala mo ‘yon?” takang tanong ni Shan.  “Ah, hindi nagtatanong lang! Naliligaw ata. Hehehe!” alanganin niyang sabi.  “Ah! Akala ko kung ano na, eh! Nagselos tuloy ako.” Tila nakahinga nang maluwag na sambit ni Shan. Napairap na lang si Keizha rito. “Utot mo!” bulong ni Keizha sa sarili. Naiwan ang gwapong lalaki sa kinatayuan niya.           “Tanga! Dapat hinabol ko ng kotse! Bakit ko ba tinakbo! ‘Di bale! Mapapasa akin ka rin! Humanda ka! Hahanapin kita kahit saan pa yan.” nakangisi niyang sabi.          Pasakay na sana siya ng kotse niya ng mapansin ang isang ID. Laking mata niya ng makita kung sinong may-ari nito, last year pa ang i.d. pero napakalaking tulong nito. Marahil ay nalaglag ng babae sa pagmamadali.            “Tignan mo nga naman ang tadhana at pinadadali ang paghanap ko sa ‘yo, at nag-aaral ka pa sa eskwelahang pagmamay-ari ko. Humanda ka sa akin,Señorita. Dahil hindi ako titigil hanggang hindi ka nagiging akin,” nakangising sabi nito. Muling tinignan ang I.D at binasa ang pangalan.            “My Señorita Keizha...My future wife. You’ll be mine!” Sumakay na siya ng kotse at may tinawagan.            “Hello! I want to be a professor at my own d*mn school for a year. Yes!  Thank you!” Nakangising ibinaba niya ang tawag.  ---------------------------------------------------------------------------------------------------- A/N: required bang nagsasabi ng d*mn pag pogi? Hahaha! Anyway! ito na po ang simula. Babush for now! 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
91.0K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.2K
bc

His Obsession

read
72.7K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
157.9K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.0K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook