Parang bumaba lahat ng dugo ni Hilmar sa ulo nito. Namutla ang mukha nito ng husto at pinagpawisan ng malapot. Sa isip nito kasi ay nahuli na naman siya ng mga babaeng kulto! Katapusan na nito! s**t! Ang malas naman! "Bok?! Pingol, ikaw ba 'yan?!" pero tinig ng boses ng isang lalaki. Kilala siya! Lumaki ang mga mata ni Hilmar at nilingon agad ang nagsalita. "P-peres?!" At natuwanag sambit nito nang makilala nito ang isa sa mga nakaunipormeng sundalo, nakahinga ito nang maluwag. "Bok, sundalo rin siya! Mista ko siya! Siya si Pingol!" pakilala ni Peres sa mga kasamahan. "Isa siya sa mga hinahanap natin!" "Gano'n ba?!" Binaba na ng isang sundalo ang armalite nito at inalalayang makatayo si Hilmar. "Salamat at dumating kayo!" tuwang-tuwa na ani Hilmar. Niyakap nito nang mahigpit si Peres.