PART 15

653 Words
Agad na sinunggaban ni Lheizel ang buhok ni Ashlene nang makalayo sila sa kinakainang kubo ng mga sundalo. "Aray, Ate!" Iyak agad si Ashlene. "Hindi ka na natuto!" Galit na galit ang boses ni Lhiezel sa kapatid. "Gusto mo na naman bang mapahamak, hah!?" Noon kasi ay nangyari na rin ang ganito. Ang magpatakas ng bihag nila si Ashlene. Dahil do'n ay maraming namatay na kasamaan nilang babae dahil nagsumbong ang nakatakas na lalaking 'yon sa taong bayan at sinunog ng mga taong bayan ang lugar nila. Iyon ang dahilan kung bakit nasunog ang mukha ni Ashlene. Dati ay napakaganda nito pero nadakip ito at itinali para sana sunugin ng buhay kaya nagkagano'n. Buti na lang at nailigtas nila noon ang dalaga bago ito lamunin ng tuluyan ng apoy. Kinaladkad ni Lheizel ang kapatid sa pinakadulong bahay kubo. Sa pinagbabawal na kubo na puntahan ng mga magiging bisita nila. Ang kubo kung saan nakatago ang mga bangkay. Marahas nitong itinulak ang kapatid. Subsob si Ashlene sa sahig. "'Di ba sabi ko sa 'yo! Huwag ka nang maaawa sa mga bihag!" "Hindi naman, Ate, ah?!" pagsisinungaling ni Ashlene. Lumaki ang mga mata ni Lheizel. "Kung gano'n nasan 'yung isang sundalo?!" at bulyaw nito sa kapatid. Hindi nito alam na may nakasilip sa kanila. Si Hilmar! At takot na takot ito. Hindi sumagot si Ashlene sa kapatid. Dinaan nito sa iyak. "Nasaan siya?!" Lalong nagngalit si Lheizel. Masasabunotan na naman sana nito ang kapatid dahil sa matinding galit, buti na lang at nakapagpigil ito. Pero muli nitong sinunggaban ang buhok ni Ashlene. "Halika!" pinilit nitong pinatayo si Ashlene na panay lang ang iyak. "Buksan mo!" galit na utos ni Lheizel sa isang babae na ang tinutukoy ay ang pinto ng kubo. Buti na lang at agad nagawang itago ni Hilmar ang sarili nito kundi buking sana ito na andon ito. Pasilip-silip si Hilmar sa pinagtaguan nito. Hawak nito ang bibig pati na rin ang paghinga. Tumataas-baba ang dibdib nito sa matinding kaba. "Ayan! Tingnan mo si Tatay! Nag-aantay siya na muling mabuhay! Hindi ka ba naaawa sa kanya?!" Tinulak ni Lheizel si Ashlene. Sumubsob ang mukha ni Ashlene sa bangkay ng kanilang ama. Awang-awa si Hilmar kay Ashlene pero 'di nito magawang lumabas para tulungan ito. Nasa isip nito ang sinabi ni Ashlene kanina bago siya nito iniwan. "Huwag na huwag kang lalabas dito o magpapakita sa kanila kahit na anong mangyari!" "Sorry na, Ate!" Hagulhol na.ni Ashlene. Sinampal ito ni Lheizel ng pagkalutong-lutong. "Sa oras na gawin mo ulit ito! Ako na ang papatay sa 'yo!" Napa-sign of the cross si Hilmar. Hindi na nito kayang tingnan ang ginagawa ni Lheizel kay Ashlene. Nasandal ito sa batong kinahihigaan ng isang bangkay. Talaga palang ubod ng pagkademonyo si Lheizel! An'sarap sanang pagbabarilim! Nakakagigil! Nang may 'di sinasadya ay makapa si Hilmar. Bungo ng tao! Nakakatakot! Parang nakatingin kasi ito ng masama! Sa gulat ni Hilmar ay 'di nito nakontrol ang kilos. Nakagawa ito ng ingay. "Diyos ko!" sambit ng utak ni Hilmar sabay tapik ng dalawang kamay nito sa bunganga. Paalis na sana si Lheizel nang marinig nito ang kaluskos o galaw. "Ano 'yon?!" tanong nito. Pati ang mga babaeng kasama nito ay napansin din iyon. Lihim na nabahala ng husto si Ashlene. Kinabahan ito ng matindi para kay Hilmar. ••• "Sh*t!" Napatayo si Dhoy. Nagsilapatin sa kanila ang mga babae. Napakunot-noo si Tiffany. Nasa mukha nito ang pag-alala. "Bok, bakit?" takang tanong ni Kear kay Dhoy. Napatayo na rin sila ni Vhon. Masama ang tingin ni Dhoy sa ulam. Lalo na sa karneng kinilatis nito kanina. Paano'y katulad ng tattoo nito ang naka-tattoo sa balat ng karneng kakainin nito sana. At si Darwyn Hernando lang ang katulad nito niyon! "Ano 'yon?" tanong ni Tiffany kay Dhoy. Tumingin ng masama si Dhoy kay Tiffany. "A-anong ginawa niyo kay Hernando?!" mayamaya ay bulyaw nito sa mga babae na ikinagulat ng lahat. Lalo na nina Kear at Vhon...........
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD