BANGS Ang kulit maglaro ng pagkakataon. Sino ang mag-aakala na magkikita kaming muli at work related pa. Nagtaka lang ako kanina nang more than once n’yang itanong ang tungkol sa pangalan ko na para bang hindi s’ya makapaniwala na Ivanka ang totoo kong pangalan. Ang nakakatuwa pa, nagluto s’ya ng adobo. Hindi lahat ng lalake ay marunong magluto, lalo na kung kasing-yaman ng lalakeng ito. “Here,” sabi n’ya sa akin at ibinigay ang baso na kanina ko pa pilit inaabot. “Salamat.” Kaagad akong nag-iwas ng tingin at naglakad papunta sa mesa. Ipinuwesto ko ang baso habang si Sir Cam ay nakita kong kumuha ng dalawang bottled water. “Upo ka na,” sabi n’ya sa akin. Ipinaghila pa ako ng upuan. “Salamt.” Puro na lang salamat ang namumutawi sa mga labi ko. Medyo nagulat ako nang sandukan n’

