BANGS If there is one thing Lola taught me, iyon ay ang huwag magbitaw ng salita na maaaring ikapahamak ng sarili o makasakit ng iba. Clearly, Annika doesn’t have the same sense. Kung mayroon ay hindi s’ya gagamit ng mga salitang gaya ng sinabi n’ya. She didn’t even know kung sino ang kasama ni Cam na lumabas. Paano nga kung ganitong ang Mama ni Cam ang kasama at hindi ibang babae? At kahit pa ibang babae, walang karapatan si Annika. “T-That’s not w-what I m-meant,” nagkakandautal na sabi n’ya sa akin. Pinagsalikop ko ang mga braso ko at tiningnan s’ya sa mga mata. “If he was out with someone other than his mother, you still have no right to call that person with such description. Kahit pa nobya ka n’ya o hindi, matuto kang rumespeto ng mga desisyon n’ya. At the same time, matuto kang

