Chapter 11

1507 Words

BANGS Natapos ang gawain namin ni Trina at ngayon ay nagmemeryenda bago ako umuwi sa inuupahan ko. Habang nagcecellphone ang kaibigan ko ay hindi ako makatiis na hindi s’ya tanungin tungkol sa lalakeng Cam ang pangalan. “Kilala mo ‘yong lalake kanina?” tanong ko sa kanya. Nag-angat s’ya ng tingin at saglit na iniwan ang pagtext. “Alam ko ang pangalan n’ya. Bukod doon e may mga alam din ako sa kanya. Alam mo kasi si Mikoy, kahit kalalaking tao ay may kadaldalan rin. Bakit? Pogi ba si Sir Cam?” tudyo n’ya sa akin. Naramdaman ko ang pag-iinit ng aking pisngi at kahit presko ang dapyo ng hangin ay hindi ‘yon nakatulong. “Grabe naman! Para tinatanong ko lang kung kilala, pogi na kaagad-agad?” Para mabawasan ang pagkapahiya ko ay nag-iwas na lang ako ng tingin. Tuluyan ng ini-lock screen

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD