Deserie ‘ Andeng’ Salvacion “Congratulations! You’re five weeks pregnant!” Isang pangungusap na nagpatunay na totoo ang lahat. Hindi kasi ako makapaniwala sa result ng PT kaya nagpa Trans-V ultrasound pa ako. Bumugso ang tuwa sa aking puso, ngunit hindi nawala ang kirot. Sakit na naramdaman ko nang mawala ang aking unang anak nang maalala iyon. ‘Hindi na siguro mawala iyon, ‘di ba? Ang araw na sobra-sobrang kaligayahan na napalitan ng matinding kalungkutan.’ “See? I told you!” Puno ng tuwa ang boses ni Tyler. “Hindi ako nagkamali sa hinala ko!” he said while hugging me so tight. Lahat kami tumahimik nang iparinig ni Dra. ang heartbeat ng baby. Tuwa lang ang nabanaag ko sa kanilang mukha, bukod kay Mommy na mangiyak-ngiyak. “This is so sudden!” Hindi makapaniwalang sabat naman ni Tita