Kabanata 40 Hanggang sa masanay na din ako na ganun yong set up namin sa mga nakalipas na araw. Gigising ako sa umaga na una kung makikita si Kenzo na topless , nakadungaw sa my bintana, topless at my hawak hawak na mug ng cafe. Pakiramdam ko nga kaunti nalang magiging permanente na yong pagtirik ng mga mata ko kakairap ko kay Kenzo sa tuwing nagkakasalubong yong mga mata namin. "Mamaya ay mag iinterview na ako ng applicant para dito sa cafe, kukuha ako ng isa pang waitress para my kasa kasama tayo dito sa dinning nagseserve ng food." Pagkukwento sakin ni Elias habang nag-aantay ng orders. Tumango naman ako ayun nga lang naputol yong pag-uusap namin ng tumunog yong bell sa my pinto. Pagtingin ko naman... "Magandang umaga Mr. Reigo!" Masayang bati ni Elias gamit yong malakas niyang bo