Kabanata 6

4969 Words
Kabanata 6 Ano bang nangyayari? My secret ba sila ng Señorito na hindi namin alam? At saka sunod na ginawa ng Señorito ay inisang lagok niya yong shot ng lambanog. Nagcheer naman yong girls sa kanya.chaser. "Go Señorito! Go Señorito!" Habang yong boys naman is naghiyawan. Sa pag-aalala ko naman na baka ayaw ng Señorito yong lasa ng lambanog, kinuha ko yong chaser at saka inabot sa kanya agad. "Eto Señorito, inumin mo din." Kaso lang nagreact naman agad si Marco. "Kaya na yan ng Señorito, hindi na niya kailangan pa ng chaser." Nakangising sabi niya. "Marco eto yong unang beses ng Señorito kaya –" Hindi ko naman na natuloy yong sasabihin ko kasi sumagot din agad ang Señorito.  "It's fine. It's not that strong, I can manage and I don't need a chaser anymore." At saka sila nagtitigan ng Señorito, mukha silang nagkakainitan na. Mabuti nalang at mukhang nakaramdam na din yong iba naming kasama kasi - "Oh, next na shot na!" Kia "Ako na nga." At saka kinuha n Xhea yong sarili niyang shot glass at naglagay ng lambanog. Umikot ng umikot yong shot sa hanggang sa hindi ko na din namalayan na nakalahati na pala yong bote ng lambanog. Eto hindi ako kasama sa mga nagshashot guys, ha? Yong mga boys lang tapos paminsan minsan sila Xhea, Clara at Kia. Iniiwasan din nilang malasing kasi kapag 'tong mga boys na nagpapasikatan nalasing hindi naman pwedeng dito sila sa kuwadra magoover night night kasi kapag nalaman 'to ni Aling Saling hindi lang kami yong malalagot pati na din mga magulang namin mapapagalitan. Hanggang sa mukhang my naging interesting silang naging topic. "Marco kelan mo ba kasi liligawan 'tong si Lena?" Tanong ni Kia kay Marco, nanglaki na naman tuloy yong mga mata ko at kulang nalang lumabas na sa eye socket dahil sa tanong ni Kia. "Kia! Sira ka magkaibigan lang kami ni Marco!" Depense ko naman agad. Inakbayan naman ako ni Xhea at saka siya ngumisi ngisi sakin parang alam ko ng susunod dito. "Naku girl, ikaw lang ang nag-iisip na magkaibigan kayo ni Marco! Walang lalake na sobrang bait at over protective sa isang babae kung wala siyang gusto dito!" Xhea "Hindi ka ba nagtataka na kahit sa school o dito sa rancho o sa mga kapitbahay natin walang nagtatakang mangligaw sayo." Nang-aasar din'g sabi sakin ni Clara. Bigla din tuloy akong napaisip at naalala ko yong mga tao sa paligid ko. "Ang ganda mo talaga Lena, ano my boyfriend ka na ba?" Tanong sakin ni Aling Sita, isa sa mga kapitbahay namin. Nahihiya naman akong ngumiti sa kanya at saka ako umiling. "Wala po, ambata ko pa po para jan." "Nay, eto na yong walis." Sabi naman ni Raven. Ang panganay na anak ni Aling Sita. Napatingin din siya sa my maliit nilang bakod kung nasa kami nag-uusap ni Aling Sita. "Amin na, oh napadaan dito si Lena yong crush mo." Tumatawang sabi ni Aling Sita. Nagulat naman ako at nakaramdam agad ng hiya. Lalo pa't tulad ni Marco, senior ko din sa school 'tong si Raven. Sikat siya sa school kasi hindi lang matalino, ang gwapo din kaso lang tahimik at hindi halos namamansin kahit na sabihin pang magkapitbahay lang kami. Madalas ko siyang nakikita sa library, kung san ako minsan ang nagbabantay para sa mga manghihiram ng libre. Part kasi ng scholar ship na nakuha ko sa school is tutulong sa admin task. "Ma!" Sita naman agad niya kay Aling Sita at dahil nahihiya na din naman ako sa pang-aasar ni Aling Sita sa anak niyang hindi gusto yong sinasabi ng Mama niya akmang magpapaalam na sana ako ng – "Naku, kung my gusto man akong maging girlfriend mo, eto nalang si Lena. Hindi lang maganda, mabait kais laging tumutulong sa magulang niya at matalino pa." "Hi-hindi naman po ako ganun kagaling Aling Sita." Nag-aalanggan kung sabi ko at saka nagpalipat lipat yong tingin ko kay Aling Sita at Raven na nakatingin na din sakin. Hindi ko tuloy alam kung ngingitian ko ba si Raven o ano, pero bago pa ako makapagreact my narinig kaming tunog ng kabayo. "Hoow. Hoow." Narinig kung pang sabi ng lalake sa likuran ko at pagtingin ko naman si Marco pala yon. "Marco!" Ngumiti naman siya sakin at saka siya bumabas sa kabayo'ng sinasakyan niya. "Sabi nila Clara umuwi ka na daw muna dito at saka babalik sa rancho kaya sumunod ako kasama si Panda para hindi ka na maglakad pabalik don." Napangiti naman ako sa sinabi ni Marco. "Ang bait mo talaga. Salamat." Sanay naman na akong maglalakad lakad pero makakatulong din yong sasakay ako kay Panda para makapagsave ng energy. "Naku, anak mauunahan ka na ata. Ang bagal mo kasi at paarte arte ka pa. Hindi mo gayahin 'tong si Marco, pasimple pomorma." Sabi pa ni Aling Sita na hindi ko magets kung anong ibig niyang sabihin. "Ewan ko sayo Ma!" At saka din umalis na si Raven at pumasok na sa loob ng bahay. "Anong meron?" Nagtatakang tanong din ni Marco samin ni Aling Sita. "Wala Hijo, sige na humayo na kayo at baka gabihin pa kayo sa rancho." "Sige po. Alis na po kami Aling Sita pakisabi nalang din po kay Raven." At saka kami lumapit kay Panda at tinulungan ako ni Marco na sumakay kay Panda. "Oh, sige mag-ingat kayo." Kapag nasa school naman kami ewan ko ba pero kapag my ganitong scenario lagi nalang sumusulpot si Marco na parang kabute. "Clara san ba kayo tayo pupunta?" "Basta! Surprise!" At saka na naman ako hinila ni Clara hanggang sa makapunta sa my gym. Napakunot pa nga yong noo ko ng mapansin ko na medyo madami-daming tao sa gym. "Anong meron?" "Halika na!" "San tayo dadaaan?" Eh, nagsisiksikan na nga yong mga tao dito sa entrance ng gym makital ang kung ano yong meron sa loob. "Clara!" Pano ba naman kasi hinila nalang niya ako ng hinila, kya nawalan ng choice yong mga tao sa harap ng entrance ng gym kundi tumabi ng pilit na sumiksik si Clara para makapasok kami sa loob. "Excuse me! Excuse me! Excuse me lang guys!" Hanggang sa tuluyan na kaming napasok at pag-ikot ko ng tingin sa loob ng gym, andito yong mga buong team ng basketball wala nga lang yong coach nila. Ang nakakapagtaka pa niwala man lang sumita samin hanggang sa napansin ko nalang din na nasa gitna na pala kami ng gym. Kung nagkalapit din'g mga rose petals sa sahig at nakalinya sa harap ko yong team, except kay Larry na ngayon ko lang din napansin na wala pala. "Anong meron at anong ginagawa natin dito?" Pabulong na tanong ko pa kay Clara at saka mas kumapit ako ng mahigpit sa braso niya niya. "Please sabihin mo sakin na hindi naman tayo nanggegate crash at nakakahiya talaga!" Dagdag ko pa. "Relax." At saka unti-unting inalis ni Clara yong kamay kung nakakapit sa braso niya. "Dito ka lang." Napakunot naman yong noo ko at bago pa ako makapagreact tumakbo na siya palayo sakin, akmang susunod na sana ako kaso lang humarang naman yong team sa dadaanan ko. "Ano bangn nangyayari?" Litong-lito na tanong ko. "Sandali lang jan ka na muna Lena." Sabi sakin ni Richard kaya napahinto din ako sa paglalakad pero sobrang naihhiya na talaga ako kasi nagchecheer na yong mga tao sa loob at labas ng gym. Naririnig ko yong pang-aasar nila sakin, paulit ulit na pagtawag ng pangalan ko pati na din pangalan ni Larry. "Anong meron? Bakit kasama si Larry dito?" Tanong ko pa sa sarili ko na nasagot din naman agad kasi bigla nalang siyang lumabas out of nowhere. "Lena." Tawag niya sakin. "Larry." Napansin ko din na bumalik si Ritchard don sa mga kasama niya sa likuran. "Anong meron?" Nagtatakang tanong ko pa sa kanya. "Lena, my gusto kasi akong itanong sayo." Seryosong sagot niya sakin. Sobrang nagtataka na talaga ako kasi nga, kilala ko si Larry na friendly at palabiro hindi ako sana'y sa seryosong tono ng boses niya. "Uhm, sige. Ano ba yon? Pero hindi ko lang magets bakit dito pa... nahihiya na kasi ako." "Gusto ko lang kasi sana itanong kung..." Sagot naman niya sakin at saka niya siya tumingin sa mga kasama niyang nasa likuran niya, don ko lang din napansin na mukhang my hawak sila sa likod nila, cardboard ba yon? "Kung?" Pati din tuloy ako napatingin na sa my likuran namin ng dahan-dahan nilang itaas yong hawak nilang cardboard na my nakasulat na – Kaso lang bago ko pa mabasa bigla nalang my nagtakip ng mga mata ko, napagalaw naman ako para sama alisin yong kamay na nakatakip sa mga mata ko kaso lang narinig ko yong boses ni Marco sa my likuran ko. "Pwede bang pumikit ka lang kahit alisin ko na 'tong mga kamay ko sa mga mata mo?" Pabulong na tanong niya sakin. "Ha? Ano ba kasing meron?" "Wala naman. Hindi mashadong importante." Cold na sagot niya sakin. "Pero my itatanong daw si Larry –" Hindi ko na naman na natuloy yong sasabihin ko ng sumagot siya agad. "Sa nakikita ko naman ngayon, mukhang prank lang yong ginagawa niya." "Ha?" Pero parang hindi naman ganyan yong pagkakakilala ko kay Larry eh. Gusto ko sanang idagdag pa pero my kung ano kasi sa bosesni Marco ngayon. "Aalisin ko na 'tong mga kamay ko pagbilang ko ng tatlo, basta pumikit ka lang. Sasabihin ko nalang kapag pwede mo nang idilat yong mga mata mo." Napauntong hininga nalang ako at mukha namang wala akong choice, eh. "Sige." "Good." At saka siya nagsimulang magbilang tapos sunod ko nalang nabalitaan kinabukasan na nagrambulan daw yong gropo ng basketball team vs soccer team. Soccer team is yong team kung san naman si Marco yong captain. "Okay ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ko pa kay Marco. Hindi siya nakapasok ngayong araw, dahil sa gulong nangyari at ang malala pa my black eye siya. "Wala 'to." Sagot naman niya sakin. Nasapo ko nalang yong noo ko kasi naman ang narinig kung news kanina sa school, sinira daw ni Marco yong naging diskarte ni Larry sakin. Hindi ko nga lang magets kung ano bang ibig sabihin nila. Wala naman gustong magkwento pa sa kung ano ba talagang pinagsimulan ng gulo kasi baka daw madamay pa sila. Kilala pa naman yong success team kung nasan si Marco na madalas napapaaway. Sigh. Kaya ang ending bumalik ako sa gym para sana icheck kung ano bang meron don at ganun nalang yong panglalaki ng mga mata ko ng makita ko kung para san ba yong roses na naglakat sa sahig. Hindi lang pala kasi yon basta kinalat, nakashape pala siyang heart! At don ako mismo kahapon nakatayo sa loob ng heart! Para din hindi na ako nago-over think ng kung ano-ano naglakad lakad pa ako hanggang sa makarating ako sa locker room ng mga varsity sa loob lang din ng gym. Bukas yong locker room at pagsilip ko tulad sa gym magulo din, kasi dito nangyari kahapon ng hapon yong rambulan pagkauwi halos ng mga students at teachers. My iilang cardboard na nagkalat sa mesa at sahig at natatandaan ko kung san ko nakita yon! Yan yong hawak ng mga kateammate ni Larry kahapon, isa isa kung pinulot at napakunot pa yong noo ko ng marealized kung meron parang message don sa cardboard. Kaya naman ng makuha ko lahat, dinala ko sila don sa labas ng gym at saka ko isa-isang inayus para mabuo ko yong nakasulat na words. "Can I court you, Lena?" Nanglaki yong mga mata ko at halos hindi makapaniwala tas nagreplay din sa isip ko yong sinabi kahapon ni Larry. "My gusto sana akong itanong sayo, Lena." "Eh, pano maliligawan ng iba kung binabakuran na ni Marco. Mashado lang natotorpe at hindi niya madire-diretso 'tong si Lena." Si Clara naman ngayon yong gumatong sa pang-aasar nila samin ni Marco. "Tumigil na nga kayo, hindi na komportable si Lena." Suway naman si Marco sa mga girls. Nakagat ko naman yong pang-ibabang labi ko. "Ayus lang naman... hindi naman yon totoo, eh." Simpleng sagot ko nalang at sa pagpapanic ko hindi ko napansin na imbis na yong juice yong inumin ko, yong shot ng lambanog yong nainom ko. "LENA!" Sabay sabay pang sabi nila Xhea, Clara at Kia. Habang si Marco naman napamura nalang. Ang problema pa hindi naman talaga ako sana'y maginom. "Ang pait!"Pati ang init sa lalamunan pababa sa my bandang puso ko! "Here, drink this." Narinig ko namang sabi ng Señorito. "Eto inumin mo." Sabi din ni Marco pero una ko kasing nakita sa harapan ko is yong basong inabto ng Señorito. Mas matamis 'tong bigay na juice ng Señorito, ah! "Ayus ka lang ba?" Tanong ule sakin ni Xhea. "Eto my juice pa dito." Dagdag pa ni Kia after kung mainom yong juice din na inabot ng Señorito sakin. "Ugh, Salamat okay naman na ako." At saka ko binaba yong bason a binigay sakin ng Señorito sa mesa. "Dibale di ka naman agad malalasing sa isang shot lang." Natatawang sabi ni Kyo. "Next na." Dagdag pa niya at saka niya kinuha yong shot glass sa harap ng Señorito at nilagyan ng shot. "Ikaw na Señorito ." Then inabot pa niya sa Señorito. "Thanks." Inisang inom naman 'to ng Señorito at saka niya kinuha yong basong nilapag ko para lagyan ng juice. Medyo napaawang naman yong bibig ko, kasi yon din yong basong ininuman ko diba? Sa iisang pitcher lang din naman juice kumuha ang Señorito kaya panong naging mas matamis yong juice na nasa baso niya? Hindi ko alam pero my bigla akong naisip dahilan para maramdaman ko yong pag-init ng buong mukha ko. "Oh, bakit namumula ka na agad Lena? Natamaan ka? Iisang shot palang yon, ah?" Nagtatakang sabi pa ni Xhea sakin, napailing-iling nalang ako pero ang mas nakakainis pa - Urgh! Ni-hindi ko nga alam kung bakit ako naiinis pero kasi 'tong si Señorito. "Nasarapan ka ba don sa juice ko." Pabulong na tanong niya sakin, yong as in kaming dalawa lang talaga yong nakarinig ng sinabi niya. Pakiramdam ko lasing na nga ako! Kasi my iba akong naisip don sa tanong niya! Nagtuloy-tuloy pa yong ramdom na usapan namin at habang kakasiyahan kami nag-alala lang naman ako na baka hindi sanay sa ganitong set up ang Señorito kaya naman naisip ko na - "Ako nalang Señorito." Sabi ko sa kanya ng akmang kukuha siya ng mangga para balatan. "I can manage though." Sagot naman niya sakin. "Okay lang madali lang naman 'to." At saka ko kinuha sa kanya yong hawak hawak niyang kutsilyo at hilaw na manga. Hindi ko alam pero kusa akong napatingin sa my tabi ko (kung san nakaupo si Marco) habang nagbabalat ako ng mangga. Nakatingin siya sakin kaya naman ngumiti nalang ako sa kanya at saka inalok din siya kung gusto din ba niya. "Hindi na." Masungit niyang sabi sakin. Nagkibit balikat nalang ako at saka tinapos yong pagbabalat ko ng mangga. "Wait lang, Señorito huhugasan ko lang sandali." Then tumayo ako sa kinatatayuan ko para mahugasan yong mangga don sa my poso. Tamang-tama din na nakakita ako ng mga plato don na pwedeng paglagyan ng hihiwain kung mangga at yong sawsawan na alamang. "Eto na!" Masaya kung sabi at saka ko nilapag sa mesa yong dalawang plato ng nahiya kung mangga at saka ng alamang. Bumalik na din ako sa pagkakaupo sa tabi ng Señorito. "Nakakangasim naman yan!" Xhea "Kuha ka na din, dinamihan ko na talaga para makakain lahat." Sagot ko naman sa kanya. "Mauna ka na muna Señorito." Sabi naman ni Kia. "Sabihin mo samin kung nagustuhan mo ba yong alamang." Nakagat ko naman yong pang-ibabang labi ko sa sinabi ni Kia. "Alright, I'll try it." Sagot naman ng Señorito at saka siya kumuha ng isang slice ng hilaw na mangga at saka niya nilagyan ng alamang yong dulo bago niya 'to kinagatan. Eto na naman kaming mga timang na naka-abang din sa reaction ng Señorito. "Ano masarap ba yong alamang Señorito?" Hindi makapag-antay na tanong ni Kia sa Señorito. "It's good." Tumango-tango pa ang Señorito at saka siya muling kumuha ng isa pang mangga at sinawsaw ulit don sa alamang. "Oo nga mukhang nagustuhan mo talaga Señorito!" Masayang sabi ni Clara. "Did you made this?" Tanong naman ng Señorito bago niya isubo yong pangalong slice ng mangga. Magkasunod namang umiling si Clara at saka niya ako tinuro. "Si Lena my gawa nyan!" "Kung hindi lang siya teenager sasabihin mo na talagang pwede ka ng mag-asawa, Day!" Sabi naman ni Xhea sakin at saka nagtawanan yong tatlong girls. Nakakahiya! "Ayee! Feel na feel mo naman!" Pang-aasar pa sakin ni Kia at saka niya marahang hinampas yong braso ko. Since hindi ko naman inaasahan yon, medyo na out balance ako napasandal ako sa Señorito kaya ayun yong ending hindi ko din naman alam na nagustuhan na niya yong kinakain niya. Yong alamang na nasa mangga niya, tumapon sa t-shirt ng Señorito. "KIA!" Suyaw ko naman sa kaibigan ko. "Sorry Señorito." Sabi naman niya agad. "Eto tissue." At saka nagabot si Xhea, kumuha naman ako agad at saka pinunasan yong alamang sa damit ng Señorito. "It's fine, that's nothing." Sabi naman niya pero nakakahiya kasi! Kung hindi sana ako tinulak ni Kia eh! Naalis naman yong iba kaso lang my naiwang mansha sa damit ng Señorito at saka alamang yon eh, kaya my amoy! Kaya naman hinawakan ko ule ang Señorito sa my palapulsuhan niya at saka ko siya hinila mabuti nalang at madali lang siya nagpadala kaya napatayo din siya sa kinatatayuan niya. "Oh san kayo?" Xhea "Lilinisin lang 'tong damit ng Señorito." Sagot ko naman sa kanya at saka ko muling ibnaling byong tingin ko sa Señorito. "Halika na Señorito." At saka ko hinila palayo ang Señorito don sa mesa namin pero bago kami tuluyang makalayo hindi nakatakas sa paningin ko yong pagsunod ng tingin samin ni Marco. Kung nakakamatay lang talaga yong tingin, Marco. Sigh.   Dinala ko ang Señorito don sa part kung san naglalaba yong mga helpers sa hacienda, kung don kasi sa my poso baka Mabasa pa siya pagnagbomba na ako ng tubig pang hugas sa damit niya. Nang tuluyan na kaming makarating sa my labahan, poso lang din yong nandito! Lumingon lingon pa nga ako sa paligid kung meron bang tabong pwedeng magamit, sana pero wala akong makita. "Sandali lang, Señorito." Sabi ko naman sa kanya at hindi na hinintay pa yong sagot niya, pumasok ako don sa loob ng common CR para sana icheck kung my tabo kaso lang pag switch ko naman ng ilaw, wala pa din'g tabo! Ano bay an, asan yong mga tabo dito? Tamang-tama naman na pagkaharap ko bumanga ako sa kung anong matigas. "Aw..." Reklamo ko pa, para namang nakaharang dito kanina, ah! Pero bakit naamoy ko yong pabango ng Señorito dito? "Anong –" Pag-angat ko naman ng tingin ko, "Selena." Tawag sakin ng Señorito, nakayuko din siya at nakatingin ng diretso sa mga mata ko. "Sabi ko naman hintayin mo nalang ako don, Señorito." Nagpapanic na sabi ko sa kanya at saka ako umorong para magkaron ng space sa pagitan namin kaso lang hindi ko napansin na medyo basa-basa pala yong floor ng CR kaya medyo madulas. "OMG!" Sigaw ko pa ng mawalan ako ng balance at akala ko matutumba na ako, pero nahawakan ng Señorito yong bewang ko kaya hindi ako natumba. Hinawak ko naman yong isa ko pang kamay sa isa pang braso ng Señorito at saka niya ako tinulungan na maatayo ng maayus. "Señorito... salamat." Nahihiyang sabi ko sa kanya. Tumango naman siya pero wala na ding sinabi. "Walang tabo dito, pano na 'to." Sinasabi ko talaga yan sa sarili ko pero nakakuha naman ako ng sagot mula sa Señorito. "You know what forget it, let's go back at the mansion and I'll change my shirt there." "Ha?" Wala sa sariling sagot ko pa sa kanya at bago pa talaga mag-sink in sa isip ko yong sinabi niya nakahila na niya ako palabas ng CR at naglakad na kami pabalik ng mansion. Habang naglalakad naman kami don ko lang din napansin na magkaholding hands pala kami ng Señorito! Pano kami naging magkaholding hands? Ni-hindi ko man lang napansin! Pero hindi naman kami totally na magkasabay maglakad, medyo nauuna kasi siya. Mabuti nalang talaga at wala ng mga tauhan na nagkalat kasi late na din naman, pakiramdam ko nga madaling araw na, kasi for sure kung my makakakita man saming magkaholding hands ngayon magtataka yong mga yon at baka ako pa yong maging laman ng chismis mamayang umaga sa hacienda. Mapapahiya ang Señorito nun panigurado! Syempre, my nakakita sa kanyang nakikipagholding hands sa personal maid niya. Sigh. Pero to be honest nakakagaan sa pakiramdam ngayong kahawak kamay ko ang Señorito. Hindi ko nga lang alam kung bakit. Isa pa ang lambot-lambot ng kamay niya, hindi tulad ng akin na magaspang at my kalyo-kalyo pa. Agad naman akong nakaramdam ng hiya dahil sa isip ko at saka ko sinubukang bawiin yong kamay ko pero mas humigpit lang yong pagkakahawak niya at saka niya ako nilingon. "What are you doing?" Medyo naiiritang tanong niya sakin at saka niya mabilis an binalingan ng tingin yong kamay naming magkahawak. Naramdaman ko naman yong pag-init ng buong mukha ko at for sure namumula na naman ako, mabuti nalang at madilim kaya hindi niya mapapansin. "Urgh, magaspang kasi yong kamay ko, Señorito." Nag-aalalang sabi ko naman sa kanya, at saka ko muling sinubukan na bawiin yong kamay ko sa pagkakahawak niya pero yan na naman siya hinigpitan na naman niya magkakahawak don na kahit ilang ulit ko ng sinubukan na kumalas sa pagkakahawak niya hindi talaga niya binitiwan. "Señorito..." "You'll just waste your energy, Selena." At saka siya nagtuloy sa paglalakad kaya ayun nahila din ako. Nang tuluyan naman an kaming makarating sa harap ng mansion my bigla akong naalala. "Señorito." Tawag ko sa kanya pero mukhang hindi niya ako narinig sa sobrang hina ng boses ko, tuloy-tuloy pa din kami sa paglalakad hanggang sa marating na namin yong main door ng mansion. "Señorito!" Sa pagkakataong 'to nilakasan ko na yong boses ko, napahinto ko naman sa paglalakad ang Señorito at saka siya lumingon sakin ng nakakunot ang noo at saka sinabing – "What?" Nag-ooverthink na naman ako ba ako o nagsusungit na naman ang Señorito. "Uhm..." Ayan tuloy hindi ko masabi! Kinakabahan na naman ako! "Let's go inside." Masungit niyang sabi sakin at saka niya ako hinila ulitp papunta sa harap ng mansion. My pinindot pindot siyang code don tapos ayun maya-maya lang din nabuksan na niya yong pinto. "Señorito, hindi kami pwede pumasok dito kung hindi naman oras ng trabaho." Pabulong kung sabi sa kanya pagkapasok namin ng mansion. "Selena, you're my personal maid so if I need you this time you have no choice but to go here and see me." Kusa namang humaba yong nguso ko sa sinabi ng Señorito kasi tama nga naman siya. "Sabi ko nga..." Sagot ko naman sa kanya gamit yong mahina kung boses at ayun nagtuloy na kami sa paglalakad, dim nalang yong ilaw sa buong mansion pero tama lang para makita mo yong dinaraanan mo. Hanggang sa tuluyan na kaming makaakyat sa kwarto ng Señorito. Sinadya ko talagang huminto sa paglalakad ng nasa harap na kami ng pinto ng kwarto ng Señorito at saka ko pasimpleng binawi yong kamay kung nakahawak sa kamay niya. "What's up?" Tanong sakin ng Señorito. "Uhm, dito nalang kita hihintayin Señorito." At saka ko ulit sinubukang bawiin yong kamay ko sa pagkakahawak niya mabuti nalang at sa pagkakataong 'to hindi na mahigpit yong pagkakahawak niya kaya nabawi ko yong kamay ko. Pero hindi naman nakatakas sa paningin ko yong pagbabago ng facial expression ng Señorito, halatang halata na kasi sa mukha niya'ng nairita siya sa ginawa ko pero nagpretend nalang ako na hindi ko napansin yon at saka ko din tinuloy yong sasabihin ko. "M-magpapalit ka lang naman ng damit, diba? Mabilis lang naman yon, kaya dito nalang ako, Señorito." Tumingin naman siya ng diretso sa mga mata ko at akala ko my makukuha akong sagot sa kanya pero lumipas na yong ilang minuto magkatitigan lang kami at ni-isang salita wala akong nakuhang sagot sa kanya. Sigh. "Señorito –" Hindi ko naman natuloy yong sasabihin ko ng sa isang iglap lang napagpalit niya yong puwesto namin, nakasandal na ako sa nakaclose na pinto ng kwarto niya habang nasa harapan ko siya at magkadikit na naman yong noo namin. Amoy na amoy ko na naman tuloy yong mabangong hininga ng Señorito pati na din yong pabango niya. Eto na naman din yong zoom in na view sa gwapo'ng mukha ng Señorito na nakakaduling na. Tinaas ko naman yong dalawa kung kamay para ilagay sa my bandang tyan ng Señorito para sana itulak siya palayo sakin, hindi kasi talaga ako komportable sa ganitong ayus kasama ng Señorito. Kakaiba yong feeling na binibigay niya sa puso ko na kulang nalang lumabas na sa rib cage ko, idagdag mo pa jan na nagjejelly jelly nan ama nyong tuhod ko na feeling ko ano mang oras ngayon matutumba na ako sa kinatatayuan ko. "Are you worried this might happen?" Nakangising tanong pa niya sakin pero bago pa ako makasagot, nanglaki naman yong mga mata ko ng maramdaman ko yong lips niya sa lips ko. Tulad ng nangyari kanina don sa park! Akala ko nga nananaginip lang ako sa park kanina nung nagkiss kami at yon na din yong una at huli naming kiss kaso lang ano 'tong nangyayari ngayon? At dahil hindi ko na naman inaasahan 'to napasinghap na naman ako, kaya nagkaron na naman siya ng chance para ipasok yong dila niya sa loob ng bibig ko! Sinubukan ko naman siyang pigilan, since nakapatong naman na sa my bandang tyan niya yong dalawa kung kamay trinay ko pa din'g itulak siya palayo sakin pero ang ending hinawakan niya yong dalawa kung kamay gamit yong isa niyang kamay kaya ayun hindi na ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Sunod ko din'g narinig is yong pagbukas sara ng pinto tapos pagdilat ko ng mga mata ko nakapasok na kami sa loob ng madilim na kwarto ng Señorito. Paaatras naman akong napapalakad kasi tinutulak ako ng Señorito at kung hindi lang yakap ng isang kamay niya yong bewang ko, baka kanina pa ako napaupo sa kinatatayuan ko. Hanggang sa maramdaman kung meron'g nakaharang hanggang sa my binti ko kaya napahinto ako sa pag-atras, mas humigpit naman yong pagkakayakap ng isang kamay niya sa bewang ko at saka mas pinalalim din niya yong paghalik niya sakin. Habang ako naman dito, nakatayo lang at hinahayaan siya sa ginagawa niya. Mukha lang tuod na ewan sa harap ng Señorito. Una kasi sa lahat hindi ko din naman alam kung pano humalik kasi eto yong first at second kiss ko! Lasing na kaya ang Señorito? Kaya hinahalikan na naman niya ako pero ang weird lang kasi hindi lasang lambanog o hindi amoy alak ang Señorito. "Señ... orito." Hinihingal ko na tawag sa kanya pero mukha wala naman siyang pakialam kahit tinake advantage niya pa yong pagbuka ng bibig ko para ipasok na naman yong dila niya sa bibig ko at saka siya dinikit sa dila ko. Napapikit nalang ulit ako ng mariin sa pinaggaga-gawa ng Señorito, kasabay ng pagkapit ng mga kamay ko sa damit ng Señorito. Ilang sandali lang kaming ganun ng Señorito at hindi ko alam kung bakit pero paunti-unting nag-iinit yong katawan ko sa ginagawa ng Señorito. Mula sa mabilis na paggalaw ng bibig ng Señorito sa bibig ko paunti-paunting bumagal at tulad ko mukhang kinakapos na din siya sa paghinga base na din sa paghingal niya hanggang sa tumigil din yong paggalaw ng bibig niya sa bibig ko at ang ending magkadikit nalang yong lips namin. Marahan naman niya akong tinulak kaya napaupo ako sa likuran ko at don ko lang din narealized na kama pala yon! Nanatili namang nakatayo sa harapan ko ang Señorito. Yumuko nalang ako at nagfocus nalang sa paghinga. Ilang minutes din kaming tahimik lang at kung hindi pa tumunog yong wall clock ng Señorito hindi pa namin mapapansin yong oras. At ganun nalang yong panglalaki ng mga mata ko ng makita kung three AM na pala! Napatayo tuloy ako sa kinauupuan ko at nawala na din sa isip ko yong kiss namin ng Señorito."Kailangan ko ng umuwi, Señorito!" Baka nag-aalala na ang Nanay at Tatay, kanina pa kasi ako nasa labas! Wala din naman akong cellphone para iupdate sila sa nangyayari sakin. Mabuti nalang at umalis din naman siya sa harapan ko kaya nakapagtuloy tuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa my pintuan. "Babalik nalang ako bukas, Señorito." Sa sobrang pagmamadali ko nga hindi ko na inantay pa yong sagot ng Señorito, dali-dali na akong bumaba sa hagdan at pakiramdam ko nakahinga lang ako ng maluwag ng makalabas na ako ng mansion. Maglalakad na sana ako ng – "Mabuti naman at lumabas kana akala ko magtatagal ka pa sa loob." Mula nama nsa likuran ko my narinig akong cold na boses, naudlot tuloy yong akmang paghakbang ko at saka nakatingin sa my likuran ko. Mabuti nalang at full moon ngayon kaya kahit na walang ilaw sa part na 'to ng hacienda, dahil na din natatakpan ng puno ng manga nakita ko pa din kung sino yong tao pero nabobosesan ko naman siya. "Marco..." Mahinang tawag ko sa pangalan niya. Mula naman sa dilim na kinatatayan niya humakbang siya para makapunta don sa my silaw ng buwan. "Nasan ang Señorito? Bakit natagalan ka?" Magkakasunod niya pang tanong sakin. Gano ba kami katagal nawala ng Señorito? Pero imbis na sagutin yong dalawang magkasunod na tanong niya, tinanong ko nalang din siya pabalik. Para din makaiwas ako sa pagsagot sa tanong niya. "Eh, ikaw bakit iniwan mo sila?" "Nagsiuwian na sila kasi madaling araw na, my trabaho pa tayo bukas." Tumango naman ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD