bc

SECOND BEST

book_age18+
167
FOLLOW
1K
READ
family
goodgirl
billionairess
gangster
bxg
humorous
mystery
city
disappearance
like
intro-logo
Blurb

This is a story about a girl who's people around her are all alphas. She is surrounded by gangsters. She was kept in secret by her sister and cousins to make her safe. But as time goes by, she can't help but compare herself to them. She knew she can never be as stong as them, as beautiful, as powerful as them.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
  Chapter 1      I was trying to play one of Taylor Swift's songs on the keyboard while waiting for our next class in the music room when someone from the outside started to scream my name.      Mabilis nga na nakarating ang boses sa kinaroroonan ko at bumukas ang pinto.      "Ella!"      Agad akong lumingon sa tumawag sa akin. Isa sa mga kaklase ko.      "Halika, dali! Oh my god!" Sabi niya at hinila ako kung saan.      Dinala niya ako sa tapat ng main building namin. I had no idea what the hell was going on. Not until i saw the whole basketball team on the second floor.      "Griella Lane Sanchez!" Sigaw ni Patrick na siyang captain ng team.      Hindi ko alam kung papaano ako magrereact! Hiyang hiya ako pero may halong kilig.      "Will you be my date on the graduation ball?"      Sigawan naman lahat ng nanonood sa amin. Ilang hampas at kurot na rin ang natanggap ko mula sa likuran na sigurado kong galing sa mga hindi ko kilala. Gosh! I felt so beautiful!      Of course, i said yes. Aayaw pa ba ako?      We attended the ball together. I was with him the whole night of the ball. Kasama namin ang mga kaibigan niya. We danced too. I really enjoyed that night kahit na hindi ako ang queen niya ng gabing yon. Hindi kasi ako ganon kaganda.      Since we graduated from high school, next is college. We enrolled in the same school. Well, mas tamang sabihing sinundan ko sya sa school na pinasukan niya. Kasama rin namin ang ibang friends niya. Halos sila nga lahat eh.      Then, we officially became girlfriend-boyfriend. It's still fresh in my memory. I was so happy. He was, too. Or i just thought so. That was after our midterms exam.      I felt so special since then. Yung kahit may practice siya, iiwan niya muna sandali para ihatid ako sa may terminal ng jeep. Simple gestures.      Pero nagtataka lang ako dahil kahit wala naman siyang practice sa basketball team, hanggang terminal lang niya ako hinahatid. I asked him once, out of curiosity. Ang sabi niya lang, mapapalayo daw kasi siya. Which is true. So hinayaan ko.      Hanggang sa dumating ang finals namin ng first sem. I was so busy. Siniseryoso ko kasi ang mga exams. I needed to. May kailangan akong imaintain na grade dahil sa scholarship ko. Hindi ko namalayan na ang dalang na lang pala naming magkita or mag-usap man lang ni Patrick. So, ang ginawa ko, pagkatapos ng pinaka last kong exam, dumiretso ako sa gym. Narinig ko mula sa labas na may mga tao dahil nageecho ang paguusap nila sa loob ng gym. Kakatapos lang siguro nilang magpractice. Mga freshmen kasi ang naiiwan pagkatapos ng practice. Pero napatigil ako ng may mga narinig akong babae, mga kaibigan din nila from highschool, pinaguusapan nila ako.      "Paano ba yan, Ralph, dalawang buwan na sila ni Sanchez?" Si Faye Dela Cruz, one of Patrick's friends. Magkatabi sila at hindi maganda ang posisyon nila.      "Tangna. Dalawang buwan na nga?! Walangya ka, Pat, natagalan mo 'yun?!" Sagot naman ni Ralph.      "Bro, ibigay mo na!" Si Patrick.      "Putangna neto. Heto oh! Gago ka! Ang tindi mo Brad!" Ibinigay niya ang isang susi kay Patrick. "Ihatid mo na lang ako pauwi ngayon dahil wala akong balak magtaxi."      "Sure, pre. Yung papers?"      "To follow, dude. I'll transfer it to you, don't worry.."      "Good."      "Now, you can drive me home, babe." Sabay halik ni Faye kay Patrick.      "Get a room!" Sigaw ng mga kasama nila.      "Paano ka naman makikipaghiwalay sa kanya ngayon?" Tanong ni Jake, isa sa mga kaibigan niya.      "Nagawa ko nga siyang pagtiisan since highschool para dito-" itinaas niya ang susing ibinigay ni Ralph sa kanya "-sisiw nalang ang hiwalayan siya."      "Nagtiis din ako ah! Everyday akong naghihintay sa bus stop dahil hinahatid niya pa yung babaeng yon!"      "Don't worry babe, i'll drive you home from now on." Then, they kissed again.      "Ell?"      Hindi na ako nagulat ng may makapansin sa akin. Napatayo sila lahat. Pero wala rin. As if naman na big deal para sa kanila na marinig ko yun.      "What the hell, Ell! I told you, wag kang aalis ng bahay nila Tita! Bakit ka nandito?! What if may mangyari sa'yo?" At nagising ako mula sa pagalala ko sa lahat ng nangyari.      Its my cousin Reyden.      "Come on! I'm not a five year old kid! And pwede ba, wag kang nanggugulat!"      "Tumigil ka nga! Bakit ba ako ang nagbabantay sa'yo?!" Reklamo niya.      "I don't know. As if gusto kitang kasama. Nasaan ba kasi si Ashley?"      Ashley is my cousin, too. She's a monster. She's a gangster.      "Nasa Pilipinas siya! Kaya kung gusto mo siyang makita, bumalik ka na lang doon!"      What? Anong ginagawa niya doon?      "At bakit siya nandoon?"      "Nag asawa na siya! Nabuntis siya kaya ayun! napilitan silang magsama nung lalaki."      "I'll tell Ashley about what you said. Bakit nga?!"      "Ewan ko! Hindi rin siya nagpaalam! Hindi mo ba nakita? The whole palace is a mess. Isang taon na siyang wala. Kailan lang namin nalaman na nasa pilipinas siya."      "But why? Bakit doon?" Isang taon?      "Hindi mo ba ko narinig? Hindi nga nagpaalam!"      Believe it or not, we're related.      "I'm sure may hinala naman kayo kung bakit, hindi ba?"      Narinig ko ang pagbukas ng pinto ng kwarto kung nasaan kami ngayon ni Reyden.      "Because of Anthony." Said the only female na naloko ni Reyden, Alex.      Anthony. He is Ashley's older brother. He's been missing for years. We have no idea if he's still alive or what. Pero their parents said that he's dead. Siguro para na lang sa public yon. Halata naman kasi na hindi pa rin nila tanggap.      Nandito ako sa tapat ng Gangsters Palace dito sa New York. My couzins rule this place.      Kay kuya anthony? Why? Maghihiganti ba siya sa pagkamatay ni Kuya?      "as of now, wala pa kaming ideya kung bakit, paano, at kung anong plano niya." Pagpapatuloy niya.      Inihatid ako nila Reyden at Alex pabalik sa bahay nila Ashley dito sa New York. Wala naman sila Tita dito sa bahay nila pero they let me stay here.      Wala rin naman akong pwedeng gawin dito sa new york dahil wala si Ashley. Malamang babalik na lang ako sa Pilipinas bukas. Hindi pa tapos ang bakasyon. Sayang lang talaga.      --      Ayoko pa sanang bumalik ng Pilipinas pero, no choice. Kaysa makasama ko sa New York si Reyden, dito na lang ako.      Palabas sana ako ng bahay ko para kumain sa labas dahil tinatamad akong magluto, nang madaanan ko ang mga sasakyan ko sa labas na maayos na nakapark sa tapat ng bahay ko.      Si Ashley lang naman ang nagpumilit na bigyan ako niyan. I know how to drive. I got a drag racer cousin, what do you expect? I just don't want to use them.      Someone used me just to have one of these? Ano kayang model nung sasakyan na ibinigay ni Ralph?      I decided to go back to my room and get my keys.      Marunong pa naman pala akong magdrive eh.      --      I wonder where's Ashley? Gusto ko sana siyang puntahan para magsumbong. I know thats childish but i just want some revenge. Bawi nalang sa pride wag na sa puso.      Next week start na ng second semester. I asked Reyden na ienroll na lang ako. Nalaman ko kasi na nandito na rin sila sa Pilipinas. Buti at hindi nagtanong kung bakit ko pa siya inutusan. Gusto ko sanang lumipat na lang ng school pero wag na lang. Kaya ko pa naman. Siguro.      Kaklase ko ang iba sa kanilang magkakaibigan kasama na si Faye. And that sucks. But i'm not the type to avoid something, or someone.      --      Hindi ako pumasok ng unang araw. Why? Dahil biglang nagpakita si Ashley sa bahay ko.      "Ashley!!" Sigaw ko at kulang na lang ay magtatalon ako sa tuwa ng makita siya.      Ashley is my one and only girl cousin. Mas matanda siya ng dalawang taon sa akin. Mula pagkabata ay close na talaga kami. Lagi akong sa likuran niya nagtatago sa kahit na anong pagkakataon. Pambu-bully man yan, sermon ni Tita (Ashley's mom), agawan ng candy sa mga kalaro, aso, pusa, manok, tutubi or kahit sa ano mang anyo or lamang lupa na kinatatakutan ko. She's more than a cousin.      "Ang ingay mo!" Sabi niya lang at pumasok sa loob. Tsk.      Kung ako walang gaanong kaibigan dahil tahimik, siya walang gaanong kaibigan dahil masama ang ugali.      "Sabi nila nawawala ka?" Tanong ko ng makapasok kami sa bahay.      "Mukha ba akong nawawala?" Sabi niya at umupo sa sofa.      Bwisit talaga 'to.      Hindi ako sumagot.      "Pahiram akong susi ng kotse mo." Sabay lahad niya ng kamay.      "Ha? Ayoko nga. Gagamitin ko. First day of school."      "Use the SUV."      "Ayoko nga. Yun na lang ang gamitin mo."      "Gagamitin kong pang karera yon? Mag-isip ka nga."      "Oh my! Lalaban ka ngayon?"      "Yes. At hindi ka sasama dahil may pasok ka."      "Then, you can't use my car."      "No."      Hindi ako kumibo.      "Fine! Sumama ka! But you have to stay where i--"      "Oo na! Tara! Ito susi oh." Tumakbo na ako palabas.      Naeexcite tuloy ako. But, wait.      "Ash, bat ka nga pala lalaban? Saka hindi alam nila Reyden kung nasaan ka."      "And you won't tell them. I need money panggastos sa school thats why lalaban ako."      Ang hirap talaga magpiga ng impormasyon sa babaeng to.      "But why? You have money naman."      "Kung gagamit ako ng pera namin, mate-trace ako ng DP. You know Tj."      "ahhh. Ok. Its a secret then."      Gusto ko sanang magsumbong na sa nangyari sa akin pero baka iliko ng babaeng ito ang kotse at dumiretso sa school para bugbugin sila patrick. Now isn't the right time.      Kumain muna kami ni Ashley bago pumunta sa paggaganapan ng race. Mabuti nga at hindi gabi gaganapin eh. Usually kasi ganon.      Walang may kilala sa kanya dito kaya ang daming pumusta sa kalaban.      "Teka. Anong ipupusta mo, miss?" Tanong ng tila organizer.      "This car."      Napa 'whoa' naman ang crowd. Ako naman napa 'what the?!' Kahit na alam ko naman na wala siyang talo. Hindi ako nainform.      "Mamahalin ang kotseng dala niyo pero hindi sapat. Madaming pumusta ngayon. Hindi ka makakalaban kung hindi mo papantayan yon. Yun ang rules dito."      Tumingin sa akin si Ashley. I mouthed what.      "Do what you have to. Sumama sama ka dito hindi mo man lang ako tutulungan?"      tsk.      Kinuha ko ang passbook ko sa bag at ipinakita.      Napabalik naman ng tingin ang organizer sa akin.      What?! I have that amount of money, asshole.      "Game!" Sigaw naman niya.      --      Gabi na ng umuwi kami ni Ashley.      Hinatid ko lang siya kung saan. Baka daw kasi may makakita sa kanya kaya ilang kanto pa bago ang bahay kung saan siya tumutuloy, doon ko siya ibinaba.      I have her cellphone number naman. Tutulungan naman siguro niya ako just in case kailanganin ko siya.      Kinabukasan, ang aga kong nagising.      I'm excited bakit ba?!      Papasok na ako. Hindi naman ako pwedeng magstay na lang dito sa bahay.      Gamit ko ang kotse ko na ginamit ni Ashley kagabi pangkarera. Ipapaayos ko kasi ang mga gulong mamaya paguwi ko. At isa pa, ipapamukha ko sa lalaking yon kung anong sinayang niya.      Hindi kilala ng guard ang kotse ko kaya ipinababa niya pa ang bintana para tingnan ako.      Pagkatapos non ay taas noo akong pumasok ng school. Nakatingin halos lahat ng estudyante sa kotse ko as i drive. Ano pa kaya pag nakita ng mga to ang mga pinsan ko at kaibigan nila na nagpapark ng sasakyan sabay sabay? Parang may car show lang na gaganapin.      I saw Patrick with his friends na kakababa lang ng sasakyan niya. Nagtiis daw siya ng dalawang buwan sa akin para makuha ang kotse na yon? Duh.      Katabi niya si Faye na nakapulupot sa braso niya.      Tumingin muna ako sa rear view mirror at inayos ang buhok ko. And, no. Hindi ako nagbago ng ayos para lang sa kanila. This is my usual self. Lets just say mas maayos lang ako ngayon. Pony tail, tshirt, pants. kaya lang ngayon, naka high heels ako instead of rubber shoes. May bangs din ako at naka shades. Sling bag na din ang dala ko instead of back pack. I don't wear make-up i just use something on my lips so i wont look pale. Then, powder lang para hindi oily.      I'm good.      Kinuha ko ang bag ko at isinuot ang shades ko dahil mataas na ang araw.      Halos lahat naghihintay sa pagbaba ko.      Nadaanan ko pa sila Patrick sa tapat ng kotse niya kasama ang mga barkada niya.      Wala naman akong balak na kausapin sila at dadaanan ko lang talaga sila. Pero tinawag pa ako ng mga kaibigan niya.      "Sanchez?" Si Ralph.      Tumigil ako sa paglalakad at humarap sa kanila.      "Ikaw nga?" Girlfriend ni Ralph. I dont know her name. Tapos ay tumawa siya. "Where have you been? And where did you get that... luxury car?"      Tiningnan ko muna ang mga mukha nilang lahat bago sumagot.      "In my garage." Simpleng sagot ko.      "Its last year's model. When did you..." Si Ralph.      "I got it last year." Alangan namang last, last year? Nauna pa ako sa dealer?!      Bakas ang gulat sa mukha nila. Ano pa kaya pag nalaman nilang bibilhin ko yung latest model after class?      Its true. Malaki ang nakuha ko kagabi sa karera ni Ashley.      Hindi naman sila makapaniwala. Especially Patrick.      "How?" Si Patrick. Mahina yon pero narinig ko parin.      "How?" Natawa ako. Lumapit ako ng kaunti sa kanilang dalawa ng girlfriend niya. "Kung inihinatid mo sana ako sa bahay ko kahit isang beses lang, nakita mo sanang nakaparada ang mga kotse ko sa tapat ng bahay. Hindi ka na sana nagtiis ng ilang buwan. Sinabi mo na lang sana sa akin na kotse lang pala ang habol mo, naglokohan pa tayo."      Pagkatapos ng speech ko ay tinalikuran ko na sila at pumasok na sa klase ko. Makikita ko pa naman sila sa classroom mamaya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Midnight Lover/Mafia Lord Series 1/Completed

read
534.2K
bc

THE RING_MAFIA LORD_SERIES 7

read
273.1K
bc

One Last Cry for a Mafia Boss (Tagalog Story)

read
581.2K
bc

My Wife is a Secret Agent (COMPLETED)

read
326.3K
bc

SILENCE

read
381.8K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
185.1K
bc

ZACH HOFFMAN

read
225.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook