KAPWA tahimik at tila nalunok kapwa nila ang mga sariling dila habang nakasakay sila ng sasakyan ng binata, ni isa walang nagsasalita o maisipan na magtanong. Hindi niya alam kung totoo ba ang sinabi nito about sa trabaho. O baka nga gawa gawa lang nito ang sinabi. Ga'non pa man, alam niyang puwede naman agahan niya bukas ng pasok at I adjust pababa ang pagkuha ng mga gamit sa gagamitin. Pero bakit kailangan pang sa ganitonv dis oras nila gawin? At tamang sila lang dalawa? Tama ngang hindi natuloy ang dinner nila na pinag usapan nito ngunit masahol naman ang naging kapalit. Magsasama sila sa buong magdamag. Kumislot siya at inilipat ang paningin sa binata. Ang antok at pagod na naramdaman niya kanina, tila ba agarang naibsan at hindi na makapa sa sarili. "How are you baby?" dinig niyan

