CHAPTER 12: GOWN. "Wow, ganda naman ng gown mo Aya!" Nakangiting puri ni Alodia sa akin. Si sir ang nagbayad ng gown na ito. Hindi ko pa nga sana tatanggapin kaso lang wala na akong pera kaya hinayaan ko na siyang bayaran ang gown. Bumalik kami sa opisina pagkatapos kong bumili ng gown at isang 2 inches heels. Habang patagal ng patagal kailangan ko talagang dagdagan ang inch ng heels na bibilhin ko. Ngayon ay nasa bahay ako ni Alodia dahil nagvolunteer syang make up-an ako. "Dapat niyang fierce ang make up mo para magmukha kang matured." Hinila ako ni Alodia paakyat sa kwarto niya. "Buti na lang at wala si mudrakels, kung hindi naku! Daming dada nun." Lumapit siya sa kanyang drawer at naghalungkat doon ng kung ano. Habang ako ay naupo lang sa kama niya. "Alam mo, medyo nagkakalama