2 years after..
"BRAD all is set for your parents Anniversary. " Imporma ni Hanz isa sa mga Chef ng resto at matalik na kaibigan ni Jaden.
"Thanks brad. Tapusin ko lang itong ginagawa ko." Sinubukan kasi niya na gumawa ng chocolate cake bilang regalo na rin sa mga magulang.
"Sige una na ko ng makapagbihis na rin." Tumango si Jaden at nakipag fist bump dito bago umalis ng kusina ang kaibigan.
Si Hanz ay business partner ni Jaden sa Restaurant na ipinatayo nila almost 2 years ago. Bestfriend niya rin ito during college days kaya naman trusted na niya ito.
20th-year Anniversary ngayon ng mga magulang niya. Actually, dapat 27th year na pero dahil mas pinili ng mga ito na icelebrate ang naging church wedding nila as their Anniversary when he was 5 years old because they start over again.
The party went well at halos malalaking personalidad sa larangan ng business ang mga nagsidalo, Filipino style ang naging tema nito kaya naman nagmala SONA ng Pangulo ang naging bihis ng mga ito.
Of course, sino ba naman ang hindi kikiligin sa mga magulang nito na hindi maitatanggi ang saya at pagmamahal sa dalawa.
Nagsimula at natapos ang buong party ay puno ng compliment ang natanggap ni Jaden sa mga bisita dahil sa naging maayos at maganda ang naging serbisyo ng mga tauhan ng Restaurant nila.
Napatayo ni Jaden ang Restaurant kasama si Hanz ng sarili nilang pera at investment. And almost 2 years pa lang ay nakilala na ang Casa De Guia Restaurant na nagseserve ng iba't ibang Asian and European cuisine na naife-feature na sa mga kilalang local maging international magazine.
Lumipat na rin sya sa isang Bachelors pad at namuhay ng independent. Ngunit matapos and dalawang taon ay hindi pa rin maiaalis kay Jaden ang takot na muling magmahal.
He's a gorgeous bachelor, Mr. Nice guy at ipinagtataka ng lahat single pa rin sya after his heartbreak 2 years ago. And he can say na nagkaroon sya ng trust issue sa mga babae. It takes a long time to gain his trust.
At the age of 25 ay focus lang ito sa restaurant at sa family niya, other than Friday night out with his friends' ay wala na itong extra activities.
"Happy Anniversary Nay, Tay.." Bati ni Jaden sa mga magulang ng masolo na niya ito ng matapos na ang party at tanging mga empleyado nalang niyang nagliligpit sa Function hall ang naririto.
"Salamat baby boy.. "Sagot ng ina nito at hinagkan siya. Nasanay na siya sa ina na iyon ang tawag sa kanya kapag sila sila lang.
Kinuha niya ang cake na sinubukan niyang i-bake para sa mga ito at pinauwi nalang dahil kailangan na raw nilang umuwi.
Alas dose na ng gabi at tinulungan na niya ang mga tauhan para sabay sabay na silang umuwi.
Ganoon si Jaden sa mga empleyado na pinapakita niyang hands on siya sa restaurant. Kinuha niya ang mga basura at binitbit iyon sa palabas para kuhanin bukas.
"Sir ako na po.." Harang ni Dennis na isa sa empleyado niya.
"Huwag na kuya Dennis, ako na lang iligpit ninyo na lang po iyong iba at ng sabay sabay na tayong makauwi. I know you are all tired." Sabi lang niya at hinayaan na siya nito.
Nang maibaba niya ang basura nakita siyang dalawang bulto sa hindi kalayuan ng resto na may babaeng nakikipag agawan ng gamit sa isang lalaki.
"Mag nanakaw! Tulong! Akin na iyan! Arggh!" Napatili ang babae ng masasaksak ito.
Mabilis na tinakbo ni Jaden ang pinang gagalingan ng dalawa at nakita niyang mabilis na tumakbo ang lalaki ng makita siya.
"I-iyong gamit ko..." Nahihirapang sabi ng babae.
"Miss! Miss!" Tawag niya nang nawalan na ito ng malay. Mabilis na pinangko ni Jaden ang babae at dinala sa sasakyan niya para isugod sa pinakamalapit na ospital.
Nang makarating sila ng ospital ay inasikaso ito agad ng mga doktor, siya naman ay ininterview tungkol sa babae ngunit wala siyang masabi sa mga ito liban sa nakita niya.
Halos mahigit isang oras ng naghihintay si Jaden sa labas ng ER para abangan ang doktor. Tinawagan na rin niya ang mga tauhan para magbilin sa resto at sinabi ang nangyari.
"Ikaw ba iyong pamilya ng pasente?" Tanong ng doktor ng makita siya nito.
"No doc, ako lang po ang nagdala sa kanya dito." Tumango ito.
"Okay, natahi na namin iyong sugat niya mabuti na lang at hindi gaanong malalim ang saksak sa kanya at mabilis ding nadala sa ospital. Pwede na siyang ilipat at kailangan lang niya ng pahinga." Imporma ng doktor.
"Maraming Salamat po doc." Nakipagkamay ito sa kanya at bago siya iniwan nito.
Dinala na rin sa isang kwarto ang babae na mapayapang natutulog. He doesn't know what is in her na hindi niya ito maiwan. Siguro ay dahil wala itong kasama at naawa siya sa sinapit nito. Base sa itsura nito ay halatang probinsyana ito, na nakipagsapalaran sa siyudad.
Hindi niya mapigilang mapagmasdan mabuti ang babae, napakasimple lang nito pero hindi maikakailang nakakahalina ang kakaibang ganda nito.
Her long dark lashes, proud and pointed nose and not to mention her pinkish tiny lips. This girl is beyond attractive.
Naputol ang pag complement niya rito sa isip niya ng marinig niyang umungol ang babae at unti unting nagmulat.
"A-argh.." Daing nito ng gumalaw.
"Miss? Huwag ka munang gumalaw, kakatahi lang ng sugat mo." Paalala niya.
"N-nasaan ako? At sino ho kayo?"
"Nasa ospital ka Miss, nakita kong nasaksak ka kanina kaya dinala kita agad dito sa ospital." Imporma niya na hindi pa rin maalis ang tingin sa dalaga. Her eyes are brown that compliments her hair.
"I-iyong gamit ko ho... Kinuha nung magnanakaw, wala akong pambayad dito sa ospital. Argh! Lord bakit ba ang malas malas ko!!" Reklamo ng dalaga na naiinis na sinabunutan ang sarili. Pero napatigil dahil dumaing sa sakit ng tahi sa kanyang tagiliran.
"Miss, saka mo muna sabunutan yung sarili mo kapag magaling kana. You should rest, dahil baka bumuka pa iyang tahi mo. And don't worry about the expenses, babayaran ko na lang." Napatingin naman sa kanya ang dalaga.
"Wala akong maipambabayad saiyo mister dahil nanakawan ako, nandoon iyong pera ko sa mga gamit kong ninakaw." Malungkot na sabi nito.
"Don't worry miss hindi naman kita sisingilin." Nakangiting assurance niya kahit hindi niya alam bakit nginitian niya ito.
"Ella. Ella na lang ho. Salamat ulit Mr.." Ella? Beautiful name. It suits her. Saisip isip nito.
"Jaden."
"Salamat po Mr. Jaden.." Nakangiting sabi nito.
"Ano pa lang nangyari at nasaksak ka?" Tanong ni Jaden sa dalaga.
"Naghahanap ho kasi ako ng murang apartment na pwede kong matuluyan dito sa Maynila. Pero ginabi na ko wala pa rin akong makita." Panimula nito at biglang nanlaki ang mga mata habang inaalala ang nangyari.
"Tapos may naramdaman akong sumusunod sa akin at ng abutan niya ko pilit niyang kinukuha ang gamit ko. Aba! syempre hindi ko binigay, nandoon lahat ng gamit ko! Pati iyong mga requirements ko para makapaghanap ng trabaho dito tapos kukunin niya lang? Ang tagal kong nagtyagang mag aral ng ilang taon para makagraduate ng kolehiyo tapos kukunin niya lang? Pero hindi pala eepek doon sa bwisit na iyon ang suntok ko. Bwisit siya sinaksak pa ko. Arghh! Nakakainis talaga!" Mahabang kwento nito.
Jaden can't help but smile sa childish act nito na nagmomostra pa ng mga pangyayare at parang batang inis na inis talaga.
"Where are you from?"tanong niya. He got curious about this lady.
"Sa Abra pa po ako. Alam mo bang binenta pa ng tatay ko iyong isang kalabaw namin para makapag Maynila ako? Tapos ganito lang pala? Ano na lang iyong sasabihin ko sa kanila? Ganito na ba talaga sa Pinas puro mandurugas?" Nakabusangot na sabi nito. Muli napangiti na naman siya. Hindi niya maiintindihan kung bakit naaaliw siya pakinggan ang babae.
"Hey, hindi naman lahat. Huwag mo namang lahatin ang mga Pinoy, may mga nag eexist paring mabubuti." Paalala niya.
"Yeah right. Kaya nga salamat ho saiyo hah? Pero pwede ba lubusin ko na iyong kabaitan mo? Alam ko hindi tayo close pero promise talaga hindi kita tatakasan. Tulungan mo ako makahanap ng trabaho dito sa Maynila, then iyong unang sweldo ko ibabayad ko saiyo sa mga nagastos mo sa akin dito." Nakangiting sabi nito at tinaas taasan pa siya ng kilay.
"Okay. Ano ba natapos mo at ilang taon ka na?"
"Wow! Talaga?! Thank you! Well, fresh graduate lang ako ng Business Administration major in Marketing at madali mo lang ako maipapasok dahil hindi po sa pagmamayabang ay Magna c*m laude ito! At 24 na ako, kasi kailangan kong magworking student para matustusan iyong pamilya namin at iyong pag aaral ko, pakonti konting units lang kaya nagtagal ako. But Glory to God dahil nakapagtapos rin ako sa wakas! " Mahabang paliwanag nito. He can see it in her eyes na lahat ng sinabi nito ay totoo.
"Impressive." Sabi nalang niya.
"Nako maliit na bagay!" Nahihiya pang sabi nito at tinulak pa siya na ikinagulat niya.
What's with this girl? Maganda nga.. magaslaw naman. Naiiling na lang siya sa naisip.
"Pero salamat talaga hah? Kahit ano munang trabaho basta marangal, papasukin ko."
"Sige tutulungan kita. But you need to sleep na dahil it's 4am already at kailangan mo ng magpahinga para gumaling ka agad." Paalala niya.
"Sige. Salamat po ulit Mr. Jaden.. Alam kong kahit hindi mo ako kilala hindi ka nag dalawang isip na tulungan ako. Salamat po talaga." Sincere na sabi ng dalaga at nginitian ito ni Jaden at inayos ang kumot nito.
MATAPOS ang tatlong oras nagising si Ella dahil sa pagkalam ng sikmura, mula kasi kahapon ng tanghali ng dumating siya sa Maynila ay naghanap ka agad siya ng apartment ngunit ginabi na siya ay wala siyang nakitang pasok sa budget niyang sampung libo.
Napatingin siya sa binatang nakaupo at natutulog sa gilid ng kama niya. Pinagmasdan niya ito at hindi napigilang humanga.
Napaka kinis ng mukha nito at matangos ang ilong. Hindi nalalayo ang itsura nito sa mga modelo sa mga sikat na magazine na nakikita niya.
Napakurap siya bigla ng mag angat ito ng tingin at napako ang tingin nila sa isa't isa.
"G-good morning ho." Alangang sabi niya.
"Good morning too. How's your feeling? May masakit pa ba saiyo?" Tanong nito na nagiinat pa.
Halatang pagod ito kaninang madaling araw at alam niyang kulang ang tulog nito dahil ala siyete imedya pa lang ng umaga.
"Ayos lang ako.. Mr. Jaden napakalaking abala ko na yata saiyo? Sorry hah? Baka may trabaho ka ayos lang sa aking maiwan dito mag isa." Nahihiyang sabi niya.
"Hindi naman. At saka hindi naman din kaya ng konsensya kong iwan ka mag isa dito."
Magsasalita sana ito ng biglang may tumawag sa phone nito at nag excuse sa kanya.
"Yes Kuya Ben.. Room 1306 dala mo na lahat ng pinapadala ko? Yes, salamat po." Iyon lang ang narinig niya sa mga sinabi nito.
Matapos ang ilang minuto lang ay may kumatok sa pinto at dahil nasa banyo ang binata ay pinapasok niya ito.
"Good morning Ma'am. Si Boss po?" Tanong ng lalaki na tingin niya ay nasa edad 50's siguro at may dala itong dalawang paperbag at back pack.
"Sino pong boss niyo?"
"Si Sir Jaden po. May ipinadadala po kasi siya sa amin."
"Ahh sige po pasok po kayo at tatawagin ko lang po siya."
Tatawagin na sana niya ito ng bumukas ang banyo at lumabas si Jaden doon.
"Kuya Ben nandiyan na po pala kayo." Inabot ng lalaki ang mga dala nito kay Jaden at inilagay sa lamesa.
May sumunod ding binata na nasa dise-otso na pumasok at may dalang dalawang basket ng iba't ibang klase ng prutas.
"Chef chicks pala iyong pasente ninyo ahh." Sabi ng binata.
"Huy! lubayan mo nga si Boss diyan." Bawal ni Kuya Ben sa binata.
"Hi miss beautiful.. Ako nga pala si Diego, Jigz na lang at your service." Pagpapakilala nito at kinindatan pa siya.
"Ella na lang."
"Ganda naman ng pangalan mo. Bagay sa magandang katulad mo." Naiiling na natawa siya sa mga banat nito.
"Huy tara na! Puro ka talaga kalokohang bata ka." Bawal ni Kuya Ben at hinila na palabas ang binata saka nagpaalam sa kanila.
"Boss ka pala?" Tanong niya kay Jaden na naghahanda ng pagkain para sa kanila.
"Sabi nila.." Kibit balikat na sagot lang nito.
"Wow! Humble mo naman., sabagay sa itsura mo pang boss nga ang dating gwapo at mabango." Wala sa sariling nasabi niya.
"Talaga? Gwapo at mabango ako?" Malapad ang ngiting sabi nito at napansin nya ang malalim na dimple sa kaliwang pisngi nito.
"Ayy ang cute may dimple ka! Ako rin oh meron." Natutuwang sabi nya at pinakita rin ang dimple niya rito. At nakangiting umiling lang ito at pinakain siya.
"Mag aapply na lang ako saiyo, diba boss ka naman? Saan ka ba nagtratrabaho?" Tanong niya ng matapos nilang kumain.
"Sa Restaurant, and yes I can hire you." Simpleng sagot nito.
"Yes! Tanggap na ako agad? Huwag kang mag alala boss, madali lang akong turuan. At may experience na rin ako sa Restaurant dahil ang part-time ko aside sa fast-food chain, pag may special occasions or event nag wa-waitress ako, minsan naman dishwasher. Kaya kahit ano muna bago ako magpakuha ulit ng mga credentials ko sa school ko."
Napangiti na lang siya sa patuloy na pagkwekwento nito. Thinking na over 2 years ay bihira siyang magtiwala sa isang babae, but this woman instantly change that. His instinct tells him to keep her.
Then I will keep her..
======
©Miss Elie