Sa makalawa ang dating ng magulang ni Jicko sa probinsiya. Ayaw pa din kausapin ni Jicko ang daddy niya kaya pinakiusapan ni Erin si Angela na ito na lang ang tumawag sa daddy nila. Nakapag-paalam na rin si Erin sa Mommy ni Jicko ayaw naman ni Erin na sabihan siyang walang respeto at basta na lang mag-iinvite. Matagal bago napapayag ni Erin ang Mommy ni Jicko. Naiintindihan naman niya iyon dahil sa setwasyon at estado ng buhay na meron sila. Para sa kaniya na may kompletong pamilya ayaw niya na kalakihan ng anak niya ang gan'on. Kaya hangga't maari ay gusto niya na makilala ng anak niya ang magulang ng Daddy nito. Alam niyang mahirap para kay Jicko iyon. Gaya ng sabi niya ay hindi habang-buhay kikimkimin nito ang galit sa ama. Matanda na ang mga magulang ni Jicko. Sapat na siguro ang pana

