CHAPTER 41

1090 Words

Maagang nagising si Erin, nakasanayan na niya ang gan'on simula noong nagsama sila ni Jicko sa iisang bahay. Mag-aalas singko na ng umaga kaya naman dali-dali siyang nagluto ng agahan. Kailangan niya ipaghanda ng agahan ang lahat sa bahay nila. Nagpaalam kasi ang kasambahay nila na uuwi muna ito sa pamilya nila matatagalan pa ng isang buwan bago bumalik. Kaya ang usapan nila ng mga kasama sa bahay kung sino unang magising siya ang magluluto ng agahan. Dahil alam ni Erin na abala talaga mga magulang niya at ibang tao sa bahay nila kaya nagpresenta siya na lang ang magluluto. Maaga din kasi ang pasok ni Jicko sa hospital. Gusto niya siya mismo maghahanda ng baon ni Jicko. Dahil home school muna si Kiara kaya wala siyang problema. Sa susunod na taon na niya ito e-enroll sa normal school

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD