NATHAN I smiled bitterly when I find myself standing near at the front of Mine's house. Mine na naman? Tsk, sarkastikong sambit ko sa sarili ko. Isang linggo na rin ang nakakalipas nang maghiwalay kami. At sa loob ng mga araw na 'yon, namamalayan ko na lang na narito ako sa tapat ng bahay nila at nakatanaw sa kwarto niya. Oo. Nasasaktan pa rin ako hanggang ngayon. At may nararamdaman din akong galit sa kanya. Sino bang hindi? Niloko ka ng taong mahal mo, pinaniwala at pinaasa ka sa isang kasinungalingan. At ang pinakamasakit doon, ibinigay mo na ang lahat-lahat ng pagmamahal na meron ka, pero hindi pala iyon sapat para mahalin ka niya. "I don't love you." "Sinungaling." "I didn't love you." "Sabihin mo. Siya pa rin ba? Yung gagong iyon pa rin ba ang mahal mo?" "O-oo. Siya nga. S-si