MILES "Mine, you're kidding, right?" sambit ni Nate makalipas ang ilang minutong katahimikan. Seeing his stunned face right now, parang gusto kong bawiin ang sinabi ko. Nate, how I wish I'm just kidding, I muttered to myself. I miss him so bad. Nang makita ko siya kanina habang nakaupo at nakatingala sa kalangitan, pinigilan ko ang sarili kong takbuhin siya at yakapin nang mahigpit. Dahil oras na gawin ko iyon, hindi ko na magagawa ang dapat kong gawin. Kinakailangan kong isipin ang makakabuti saming dalawa. Ayokong magpaka-selfish dahil lang sa pagmamahal ko sa kanya. "Biro lang 'yang sinabi mo, di ba? Sasabihin mo sakin na na-wow mali mo ko," muling sabi niya saka pilit na ngumiti. "Sige na. Sabihin mo na yun. Nakita mo naman ang reaction ko, di ba? Muntik mo na kong mapaniwala sa jo