MILES January 8. It's our fourth monthsary. May usapan kami ni Nate na ako naman ang bahala kung saan kami magce-celebrate ngayong araw since last monthsary ay siya ang nag-effort, so it's my turn to show my effort to him. Para hindi niya maisumbat ang mga ka-sweet-an kuno na ginawa niya para sakin. Ala-sais pa lang ng umaga ay nandito na ko sa condo niya para sunduin siya. Kaso, mukhang tulog pa siya nang dumating ako. Halos mapudpod na nga ang daliri ko kaka-doorbell sa unit niya bago pa niya ko pagbuksan ng pinto. May pacondo-condo pa kasi siyang nalalaman, may mansion naman sila. At ang mayabang na lalaki! Dalihan ba naman ako ng kayabangan niya na kesyo daw ang lahat ng gwapong katulad niya ay may condo unit? Psh! "Mine, masyado pang maaga para sa date natin," inaantok na sabi niya