Pinapalis ko ang sariling luha habang hawak ni Zeke ang aking braso palabas. Kasing gaan ng papel ang hawak niya sa akin na para bang’ ayaw niya akong saktan. Mas, lalong nalukot ang aking puso. Nasa harapan na kami ng sasakyan niya nang humarang si William. "Catalena..." lumingon ako sa kanya at mapait na ngumiti. Nagkatinginan silang dalawa ni Zeke. Huminga nang malalim si Ezekiel at binitawan ako. "Get inside my car." aniya sakin ni William. Sinunod ko ang sinabi niya. Ilang minuto silang nag usap ni Zeke sa labas. Hindi ko matanggal ang aking mga titig kay Zeke. Namamangha at naninibago parin ako. After those years, I've changed a lot. I've learned so many things. It's true that, maturity is base on experience. At sa mga naranasan ko, kusang tumubo ang aking malay para sa l

