Ang pag asa ko ay walang hanggan. Nanatili ang aking matibay na paninindigan, na magiging maayos ang lahat. Puno ng positibo ang aking isipan at pagkatao. My hope is still there. After I gave birth, nanatili na dito si papa sa San Gimignano, ang lugar kung saan ako nila tinago. It was so painful and happy at the same time nang mahawakan ko ang kambal. Dalawang lalaki at pinangalanan ko silang Zech and Calil. Si Zech ay yung iyakin at si Calil naman ang tahimik. They got their father's features, walang mintis. Mas lalo akong naiiyak sa tuwing nakatunghay ako sa kanilang dalawa. Ang aking iniisip ngayon ay ang kapakanan nalang ng mga anak ko. Apat na buwan na ang lumipas nang manganak ako at hanggang ngayon wala kaming balita kay Darla. Inilayo siya ng pamilya niya kay William. Ala

