Simula noong sinabi niya iyon, tila naging sampal iyon sakin. Wala akong karapatan sa kanya. Pinamukha niyang, sa simula palang,ako ang nagpumilit at naghahabol. Pinili ko nalang na manahimik sa isang tabi at makisabay sa agos ng buhay ko. Kinabukasan, narinig ko ang pagmumura ni Ezekiel. Pumikit ako ng mariin dahil iyon yung mga polo niyang puti ang nakita niya. Narinig ko ang mga utos niya kay yaya para ayusin ang mga iyon. Nanatili akong nakaupo at unti unting kinakain ang nakahaing pagkain sa mesa. Nang maramdaman ko ang paglapit niya mas lalo akong yumuko. Hindi ako nagtangkang pumuslit ng titig sa kanya. Ang mga salita niya ay hindi nawaglit sa aking isip. Gumuguhit ang sakit sa aking dibdib. Natatakot na akong bigkasin ang pangalan ng babaeng mas gusto at mahal niya.

