Ngumunguso nalang ako habang pauwi kami. Epic ang first day of school ko. Hindi na niya ako iniwan doon pagkatapos niyang kausapin ang principal. "Kilala mo yung principal?" tanong ko nang di makayanan ang katahimikang namuo sa aming dalawa. "Oo," seryoso parin siyang nagdadrive habang nakakunot noo. "Paano?" "Sponsor ako ng Unibersidad," "Oh...great." wala na akong nasabi 'nun. Napapangiti nalang ako sa kawalan at patuloy na nagrereplay sa utak ko ang sinabi niya. "Your dad want to talk to you.." dagdag niya. "As in ngayon?" napamulagat ako. Napasulyap siya sakin, "Oo.." "Yey! I miss him already. Akala ko matatagalan pa bago ko siya makausap ulit.." "We are just making sure that everything's fine. Kung maayos na ang laha, puwede kanang bumalik kay papa mo.." Napanguso ako

