Ezekiel don't give up easily. I rejected his proposal then he left. I thought he'd stop but I was wrong. Mas naging pursigido siya. Mas naging masikap siya. Kahit na halos hindi ko siya pinapansin habang kalong niya ang dalawang kambal nang gabing iyon. Naistorbo ang tulog nang kambal dahil sa kanya, at himalang hindi nagsiiyakan ang mga 'to. Kahit anong gawin kong pagtatakwil, nanatili siyang matibay. Pakiramdam ko tuloy, dahil iyon sa kambal. Of course,sinong ama ang hindi gustong makasama ang mga anak? Napasabunot ako sa sariling buhok nang maalala kung ilang araw si Ezekiel pumupunta sa bahay. Ilang beses ko rin siyang nakikita. Nakuntento rin ako dahil hindi niya ako kinakausap. He's civil. Hindi ko alam kung malulugod ba ako o maiirita doon. "The rejection is all over the news

