Chapter 2

1495 Words
      Lumilipas ang araw mas naging misteryoso pa para sa akin si Ezekiel. Bawat pagsisinuplado niya sa akin habang minamasdan ko siyang nag aayos ng pagkakakarga ng tubohan mas lalo lang akong nababaliw sa kanya. Hindi ako susuko hangga't hindi ko nakukuha  ang isang Ezekiel Montenegro.   Bata paman ako alam kong hindi na matitibag ang aking nararamdaman para sa kanya. Ang kaibigan ko sinasaway ako dahil masyado raw malaki ang agwat ng edad namin ni Ezekiel. Who cares right? "Catalena yan na naman?" matinis ang boses ni Cindy habang tinitingnan ang aking ginagawang  collage pictures ni Ezekiel. Ilalaminate ko ito mamaya at ibibigay sa kanya. Hindi ko alam kung kailan siya babalik sa hacienda nila kaya ang bawat patak ng oras ay mahalaga para sa akin. "Suportahan mo nalang ako Cindy!" Ngumiti ako sa kanya. Umirap ito sa akin at sinubo na naman ang lollipop niya. "Seriously Cindy? Wa'g kana mag lollipop ang tanda mo na." Saway ko rito. "Seriously Cat? Kahit matandang walang ngipin nag lolollipop e. Nagkagusto kalang sa isang bente tres 'e feeling immune ka na." Humagalpak ko sa tawa at binatukan siya. "Mature tawag dun hindi immune!" "E’ ganon parin yun!" Naglalakad kami ni Cindy papuntang Cafeteria nang nag vibrate ang aking cellphone. Bawat madaan ko ay nginingitian ako at binabati. Popular ako sa school na ito. I’m the miss sweet heart at miss Southland High School. Isa rin sa mga sponsor dito si papa sa aming school. Bawat rooms ay may aircons at may sariling tagalinis bawat palapag. Ang aming uniform ay kulay violet na hanggang hita ang palda. May krabat ang aming neckline at light violet ang pang itaas. Habang ang kaliwang dibdib namin ay may tatak na Southland High School. Meron ring College extension itong Southland but I guess, sa ibang kolehiyo ako mag aaral. From Tristan: Nandito ako sa canteen libre kita! Napailing ako ng mabasa ang kanyang message sa akin. Tinungo namin ang cafeteria at nakitang nag iisa doon si Tristan. Wearing a big eye glasses at may librong dala. Siniko ako ni Cindy. "Ang guwapo." "He's not my type. Si Zeke ang gusto ko." Bulong ko sa kanya. Inirapan ako nito. Katulad parin ng dati tinulungan na naman ako ni Tristan sa aming projects at assignments. Halos lahat na gagawin ko siya na ang gumawa. He's nice naman...pero kahit akong nice kung hindi mo gusto , hindi talaga. "Hello Cat!" Biglang sumingit si Darla sa aking gilid. Nilagay ko yung limang libro na kakabili ko lang sa library dito kanina. Ang library kasi dito nagbebenta ng books lalo na kailangan iyon ng mga studyante. Isa na sa mga sponsor si papa sa mga kinakailangan ng eskwelahan na ito kaya every year rin may bagong mga libro. May isang buiding rin ng laboratory. Sa tatlong palapag na yun ay puro computers ang laman ng bawat rooms. You will swipe your violet card sa gilid ng automatic door nito bilang bayad at kahit buong araw muna pwedeng gamitin ang computer. Ang violet card ay binibili dito. Kahit ilang tao pa ililibre mo dito sa cafeteria basta't may violet card ka. Ilang studyante lamang ang mayroon nito at kabilang na ako doon. Kapag may klase kinokolek ng teachers ang cellphone at iba pang gadgets. Bawal magbolakbol dito. Ang bawat year ay may sariling school bus. Bawal mag kotse at bikes lalo na kung studyante palang depende kung may driver ka. "Yes Darla?" hindi ko gusto ang ugali ni Darla. She's a bitch. Ugaling bitch... Sinabit nito ng mabuti ang gucci bag nito sa balikat. Halatang pinaiingit ako. Huminga ako ng malalim at kinuha ang kakalapag ko lang hermes bag na kulay khaki. I heared her soft gasped. I know, di ako papatalo sa kanya. Simple lang ako tumira hindi yung masyadong exagge katulad niya. She cleared her throat. "Asan yung alipores mo? Nabagot na sayo?" "Cindy is not alipores Darla. She's a childhood friend." "What ever. Umalis kana, humaharang ka sa locker ko. Baka maiwan ka ng school bus." "Di ako sumasakay sa school bus. I have my own car and a driver , excuse me.." Ngumisi ako at kinagat ang ibabang labi dahil alam kong naiinis na naman sakin si Darla. Lulan ako ng aming SUV  nang tumawag sa akin si papa. "Hello papa!" "Pupunta ako sa isang meeting. Gusto mong sumama?" Ngumisi ako. Kung may unang lalaki akong minahal sa mundong ito iyon ay si papa. Siya na yung pangarap na maging daddy ng lahat na anak. Binibigay niya yung mga gusto ko at magpapasaya sa akin. And for a change, naging mabuti akong anak para sa kanya. "Talaga dad? Saan po kayo may meeting?" "Sa kasosyo ko. Sa mga Montenegro. Kakain tayo sa gusto mong restaurant if you want, pagkatapos." "Yes yes dad! Pauwi narin ako." "Yes hija. Hihintayin kita. Take care." Pagkarating sa mansyon hindi na ako dumiretso kay papa. Dumiretso ako sa aking kuwarto at naghalungkat ng susuoting maganda. Hinila ko yung kulay peach na dress. Nag half bath ako at sinuot iyon. Pinaresan ko iyon ng white sling bag at binuhaghag ang aking mahabang buhok. Sa sala naghihintay sa akin si papa. Ngumiti ito ng makita ako. "Dalaga na talaga ang baby ko.." Umungot ako at niyakap si papa. "Papa I'm not a baby anymore." "I know." Kinakabahan ako habang nasa biyahe hanggang sa nakarating kami sa matayog na Tower ng Montenegro. Naghalong, kulay gray at black ang interior nito. Bago pumasok may malaking M ang bubungad sayo. Parang tatak ng kanilang angkan. Tumindig ang balahibo ko habang tinitingnan ang tatak na iyon. Kulay itim at nakakaintimida katulad na kung gaano ako naiintimida may Ezekiel. Nanghinayang ako kung bakit hindi ko dinala ang laminated collage na pictures ni  Ezekiel. Kung dinala ko baka maibigay ko pa sa kanya ito ngayon. Kasama namin ang lalaking sekretarya ni papa nang pumasok kami sa isang kuwarto. Bilang lamang ang nandoon. Kumalabog ang puso ko ng makita ang unang anak na Montenegro, si Manuel. Kumunot naman ang noo ni Ezekiel nang magtagpo ang aming tingin. Kumapit ako sa siko ni papa nang maramdaman kong nangangatog ang tuhod ko. Hindi ko alam na ang apat na Montenegro ang kakausapin ngayon ni papa! Don Juanito kasama ang dalawang anak na si Manuel , Ezekiel at ang pamangkin nito na si Savier Montenegro. "Good morning Juanito. Unica Hija ko nga pala si Catalena.." pakilala sa akin ni papa. Ngumiti ako sa kanila hindi makatingin s banda ni Ezekiel. "Hello po sa inyo." Nakipagkamay ito sa akin. "She's so young and pretty Jerry." Sabi nito kay papa. Kinamayan rin ako ni Manuel at ang tumayo na si Savier at ngumisi. Huling tumayo si Ezekiel at tinanggap ko ang kamay niya. Nang lumapat ang aming kamay parang nagslow motion ang lahat. Parang gusto kong picturan  ang aming mga kamay. Sayang ang pagkalataon. Malaki at mahaba ang mga daliri niya. Ang liit ng kamay ko tingnan. "Hija..." Natatawa si papa nang makitng tumagal ang pagkakahawak ko sa kamay ni Ezekiel. Bagot naman na suminghap si Ezekiel tsaka umupo. Madramang umubo ang pinsan nitong si Savier. Sa hiya ko umupo nalang ako bigla at yumuko. Nakikinig lamang ako sa kanilang usapan. Pure business nad transactions ang kanilang usapan. Beaches , mga lupain mostly sa tubuhan ang usapan. Nagkamayan sila ng matapos ang usapan. May mga ngiti sa labi at alam kong maganda ang kanilang naging ediya at kasunduan. "Malaking asset rin iyon sa amin Jerry. Maraming salamat." Si Don Juanito. "It's a pleasure Juanito.." Nakita kong nag usap ang tatlong Montenegro hindi kalayuan kina papa. "Wa'g mong sabihing may kasama ka na namang babae mamayang gabi Zeke?" Ngumingisi na tanong ni Savier. Umiling nalang si Manuel sa mga ito. "What are you talking about Sav? I'm busy ." "Talk to my ass Zeke, I know you.." Biglang tumunog ang cellphone ni Zeke. Nag excuse ito at unang lumabas. "Hmm, papa excuse lang po ha? Mag bathroom break lang ako." "Sige hija, hihintayin kita dito." Tumango ako at lumabas ng room na iyon. Hinanap ko si Zeke at nakitang may kausap siya hindi kalayuan. Nakapamaywang ito at nakapikit ang mga mata. Nagtago ako sa gilid at pinicturan siya. Ang guwapo talaga.. Halos nakasampo akong stolen shots niya at tiningnan ang mga iyon. Gusto kong tumili dahil may idadagdag na naman ako sa mga collections ko. "Ano na namang ginagawa mo?" Nagulat ako nang nasa harapan ko na si Ezekiel. Malamig ang mukha nitong nakatingin sa akin. Ngumiti  ako sa kanya. Desidido sa aking gusto. "May laminated collage pictures mo ako. Gusto ko sana iyong ibigay sayo kaso naiwan ko." "Just quit little kid. Wala akong oras sa ganito. Pumasok ka na sa loob baka mawala ka." "Totoo! Ibibigay ko 'yon sayo." pilit ko parin. Pumikit ito at umiling. "Sige, ibigay mo sakin. Basta itigil mo ito. Mag aral ka nalang ng mabuti at wag ganito ang atupagin mo. " Natahimik ako sa pagsisinuplado nito sa akin. Uminit ang mata ko. "Hindi ko nalang ibibigay!" I hissed at tinalikuran siya.  Nagmartsa ako pabalik sa loob at muntik ko nang makabanggan si Manuel. Hindi ko na sila tiningnan. "Anong ginawa mo sa bata?" Narinig kong tanong ni Manuel. Sinara ko na ang pintuan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD