Naghihisterya ang babae. Ang katawan nito ay puno ng pasa. Mga pasang humilom at may bagong pasa. Doon palang alam ko na may matinding pinagdadaanan ang babaeng ito. Kahit noong hawakan ko ang kamay niya hinawakan niya rin ang kamay ko pabalik ng mahigpit. Ramdam ko ang panginginig ng katawan niya. Huminga ako ng malalim at tiningnan si Zeke na nasa hamba ng pintuan. He talked the doctor. Kailangan yata namin ng psychiatrist para sa babaeng ito. Mukhang minaltrato raw kasi. "Kawawa naman siya." Sabi ko nang makalapit. Hinawakan nya ang aking baywang at hinalikan ako sa ulo. "Yeah. Anong gusto mong gawin natin?" Malambing na tanong nito. Pinapaubaya sa akin ang lahat na desisyon. "Kausapin kaya natin siya kapag nagkamalay?" "We will." hinaplos niya ang aking buhok. "We should rest

