~ CHAPTER 2 ~

1008 Words
Habang naka upo ako ay isang malaking katahimikan ang bumalot saming dalawa ano pinapunta nya lang ako para titigan nya ng ganito? Loko talaga to. Sira ulo agad ko naman binawe ang katahimikan na na nagbabalot samin. "Ba't niyo po ako pinatawag sir?" Salita ko habang iniiwas ang pag tingin sa mga mata nya. Eh ba't ba kasi Ganto sya makatitig. parang wala nang bukas. "Sir, tama napo yan baka matunaw ako" pagbibiro ko. "Wag kang assuming Shia" Sagot nya na kinataas ng kilay ko.  Tatayo na sana ako para umalis agad naman syang nagsalita "So aalis kanalang? Ipagtimpla mo ako ng kape, trabaho mong sundin ang utos ko." Pagsusungit nya. "Alam ko naman." maikli kung sagot. "Kaya nga dapat kung tawagin kita, pumunta kana agad dito, Kung gusto kung dito kana tumira susundin mo ang kagustuhan ko. Kung gusto kung pakainin mo ako susubuan mo ako, kung gusto kong tabi tayo matulog tatabihan mo ako, lahat yan basta. Siguro alam mo naman pinasok mo" Paliwanag pa niya habang nasa kusina. "Pero--" Akmang sasagot na sana ako pero bigla itong nagsalita ulit "Shia, personal assistant ang  trabaho mo hindi kung anong trabaho dyan" Sagot nya habang nakatingin sakin. Pinipilit ko talagang umiwas ng tingin sa kanya dahil pag nagkatinginan kami ay hindi ko talaga kaya. Para bang may kuryenteng dumadaloy sa katawan ko. Pero Ang gulo talaga ng utak ko bat ba nya nasabi yun? "At isa pa wag muna akong tawaging Sir." Dagdag pa niya. "Ha? bakit naman po?" Nakakunot noo kung tanong "Ampangit eh, Arron nalang para mas cute" nakakaloko nyang ngiti sakin. "Ok" Maikli kung sagot inaayos ko ang mga susuotin nya para hindi na siya mahirapan, yung mga polo nya mga necktie nya.  Sa sobrang dami ng necktie nya eh halos wala akong mapili kinuha konalang yung kulay asul at pumunta naman ako sa mga shades nya at kinuha korin yung kulay asul ganito pala sya kayaman? Halos lahat ng gamit nya maka collection. Ang laki-laki pa ng condo niya tapos sya lang mag-isa.  Habang naliligo sya ay bigla naman nag ring yung phone ko at hindi kona maiwasang hindi sagutin yung phone dahil nakita ko agad ang pangalan ni Lorraine bestfriend ko at schoolmate ko sa university.  "Hello bes?" Masayang bungad ko. "Uy Bes! Balita ko nag tatrabaho ka ngayun? At sa pinakagwapong tao pa talaga" pagbabara nya. "Grabe ka talaga! Wala talagang balita ang nakakalagpas sa iyo" nakangiti kong tugon. "Ano pangalan nya sis? Mabait ba?" Pagtatanong pa nito. "Hm. Oo gwapo naman sya cute! Haha joke! Mabait rin, pero minsan may pagka topak!" Sagot ko naman na syang Kinatawa nya "Are you sure?" Tanong pa niya. Nagulat nalang ako ng biglang malaglag ang phone ko ng makita kung nasa likuran kona pala si Arron at nagulat pa ako sa nakita ko. "Oh shit!" Bulong ko sa sarili ko habang nakatitig sa nakatuwalyang lalaki sa harapan ko.  Ang hot nya! Ang kinis nang balat! Wow may pa abs pa! Grrr! Ang gwapo-gwapo nya talaga. "Hoy! Laway mo tumutulo na! Baka matunaw na ako nyan kakatitig mo!" Sigaw nya na kinagising ko naman sa katotohanan. "Ay " agad naman akong tumayo at kinuha ang mga damit nya halos mabaliw naman ako dahil baka narinig nya ang pinaguusapan namin ni Lorraine lagot na! "Umuwi kana muna at mga 8 kanalang pumasok " Salita nya para ma tanggal ang katahimikang namamagitan samin. "Ok po" maikli kung sagot Habang Papauwi ako biglang nagvibrate na naman ang phone ko text galing kay Lorraine. From Lorraine: "Bes mag e-enroll tayo sa sabado nag text si principal Torres tapos may ipapagawa daw sya sayo."  Diko na nireplayan ang text ni Lorraine dahil alam korin naman na sa sabado na ang enrollment. Pero ano yung ipapagawa ni Ms.Torres? * * * "Huh?" Naka kunot noo kung tanong kay ms.Torres  "Yes, it's true. Ibabawe ko rin naman sa grade's mo pag na succes mo ang pinapagawa ko" Walang halong emosyon na pagsabi nya. "Mmm  kailan?" Pagtanong ko. "Do't worry Shia baka next month pa sya, kaya makakapag handa kapa ng papers na ituturo mo sa kanya" matipid niyang ngiti. "Boy or Girl?" Birong tanong ko, na syang kinataas ng kilay nya. "It's not important Shia, basta gawin mo nalang ang best mo, para maka habol sya sa next disscusion natin, Ok?" sagot pa niya. nang pagkatapos naming mag usap ni Ms.Torres ay agad naman akong umalis may duty pa kasi ako at baka nag iinit na ang ulo nun kakahintay, Ayaw niya kasing pinaghihintay siya madaling uminit kasi ang ulo nito. Sa kalagit-naan ng lakad ko ay biglang nag vibrate ang phone ko  From Arron:  "Hintayin mona si manong paparating na diyan" Pag text niya na kina kunot naman ng ulo ko. Anong nakain nya at pina-sundo niya pa ako? baka nalaman niyang nasira ko yung Volvo niya atay! Agad naman akong nag reply. To Arron: "Ok"    Maiksi kung reply  Kahit magdadalawang buwan na ako sa piling niya ay ganun parin sya, napaka jerk, masungit, at isa pa manhid! oo manhid siya sa nararamdaman ko sa kanya pero dikona pinapahalata na mahal ko siya kahit na pinapahirapan niya ako at kahit na palagi niya akong sinisinghalan at minumura pero hindi ko siya susukuan. pero pano kung hanggang sunday nalang ako? may pasok na ako sa lunes at hindi kona siya maasikaso .  "Uhhmm Arron'? " Pagtawag ko sa pangalan niya na parang nahihiyang sabihin sa kanya na hanggang sunday nalang ang trabaho ko .  "Yes?" Sabay ngiti sa labi niya na siyang kinatigil ng mundo ko. Shit! Ganito ba talaga siya ngumiti? Parang mamamatay ako kapag palagi niya akong nginingiti-an , Isang ngiti niya lang nawawala na stress ko.  "Eh, kasi Ha-hanggang sunday nalang ako" Sagot ko na kinatigil ng ngiti niya  "Ha?' Ba-bakit?" Kunot noo niyang tanong. "Shia! " Sabay wave ng babae sakin na tila may sasabihin siya. "Wait, Sasabihin ko sayo mamaya Teka lang " Sabay takbo papunta sa babaeng kumaway sakin. "Ok" Malungkot niyang sagot sakin, Tila walang emosyon at tumalikod naman siya agad. Alam kona kung ano ang nasa isip niya at alam ko na hindi niya ako papayagan na mag quit sa trabaho ko. Dalawang buwan na ako dito at alam na namin ang isa't-isa kilala kona ang mga tao sa opisina at may mga kaibigan din ako dun pero kailangan e wala akong magagawa at may misyon pa ako sa school na kailangang gampanan. ____________________ "End of Chapter 2"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD