I THOUGHT ZEKE was exaggerating, but paradise was an understatement. Ang ganda ng buong lugar! Ang daming puno. Kahit saan ako lumingon may puno ng niyog, puno ng mangga, at ang daming bulaklak, iyong tipong hindi ko masalas makita sa siyudad, kahit sa America at Italy. The sand were white and soft, almost gentle beneath my feet at ang linis. I didn't realize that place like this exist. Kung bakit kasi hindi ako marunong lumangoy. Nakakapanghinayang. Masyadong maganda ang islang ito. Kahit ang mga tao, ang babait at ang gagalang. Somehow, they made me feel a little bit home. Pero bakit wala masyadong dumadayo rito? I sighed and looked around. Kanina pa ako iniwan ni Zeke mag-isa rito. May kinuha siya sa bahay saglit, at hindi ko alam kung ano iyon, pero ang tagal niya. Anong oras na ba?