IT'S ALREADY OVER half an hour pero nasa loob pa rin si Zeke sa clinic ni doc Sullivan, ang ophthalmologist na tumitingin sa mata niya. Ngayon ang araw na tatanggalin ang eye bandage niya at sa sobrang excited niya kagabi, hindi na siya nakatulog ng maaga. Unlike him, masyado akong kinakabahan sa araw na 'to. Pinagtatawanan na nga lang niya ako. Hindi ko lang talaga maiwasang isipin ang mga pwedeng mangyari oras na matanggal ang benda niya sa mata. Pero ang sabi naman niya, maayos daw ang paningin niya no'ng huling chineck 'yun ng doctor kaya kahit do'n man lang, napapanatag na rin ang kalooban ko kahit papaano. Narinig kong tumunog ang cellphone ko at nakita kong tumatawag si Serena. "Serena? Papunta ka na ba?" sagot ko habang lumalapit ako sa may bintana, nagbabakasakaling makita ang