PART 28

1246 Words

Madamdamin ang pagtatagpo nina Tatang (na ang pangalan pala ay Simon) at Nanang Belina kinabukasan sa hospital. "Simon, Diyos ko! Ano bang nangyari sa'yo? Huhuhu!" Hagulhol ni Nanang Belina. Mahigpit nitong niyakap si Tatang Simon na tulog pa rin. Sa tingin kasi ni Nanang Belina ay pumayat ng husto ang asawa at ang hitsura'y kawawang-kawawa. Hindi nito lubos maisip na ganito ang kalagayan ni Tatang Simon. Pero kahit paano ay nagpapasalamat pa rin sa Diyos ang matanda dahil buhay pa rin na natagpuan nito ang asawa. Mangiyak-ngiyak naman sina Gerlie at Diane na pinapanood si Nanang Belina. Habang si Rj na hindi sila iniwan ay tahimik lang sa tabi. Hanggang sa nagpasya silang iwanan muna nila ang mag-asawa. Sunod-sunod silang lumabas sa silid ng hospital na kinuha nila para kay Tatang Simo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD