HININAAN KO ang volume ng TV nang marahan na gumalaw si Lennox, natutulog pa at gusto kong makabawi siya sa ilang araw na pagpupuyat. Maaga lang akong nagising at nanood muna ng pang-umagang balita. He’s sleeping beside me, wearing a white thin T-shirt and black boxer shorts. I already went down para tumulong sa pagluluto ng almusal, darating din kasi ngayong araw sina Quinn para ituloy ang inaasikaso nila. They are coming here every two-four days, Dale visited us the last time. “Hmmm..” Nilingon ko siya, mas siniksik ang katawan sa akin. Pinatong pa ang mabigat niyang binti sa hita ko at nilubog ang mukha sa dibdib ko. I felt him sniffing my chest. Pero nakapikit pa rin at natulog na ulit. Bumuntong hininga na lang ako at binalik ang atensyon sa TV. Mag-aala sais pa lang naman. Might