Maaga pa lang ay nakamulat na ang mga mata ng dalaga. Nag-iisip siya ng paraan kung paano siya makakabisita kay Nanay Belinda niya ngayong araw. Kagabi kasi ay sinabihan silang lahat ng plano ng mag-asawang Sison na magpamigay ng mga Noche Beuna Pack sa piling barangay na maisipan nila. Gustuhin man niyang makiisa sa kanila, may mahalaga rin siyang lakad na nais niya sanang isakatuparan ngayon araw. Nais niyang pasayahin ang pasko ng nanay-nanayan niya at mabait na tumanggap sa kanilang mag-ina sa loob ng labing pitong taon. Isa pa marami-rami naman na ang bilang nila lalo na at dumagdag ang pamilya Mercado. “Knock! Knock!” Nakarinig siya ng mahinang pagkatok sa kanyang pintuan. ‘This is it na talaga.’ Mabilis niyang linagyan ng nude lipstick ang kanyang mga labi upang magmukhang nawawa

