Tulalang nakatitig sa may kisame ng kanyang kwarto ang dalaga habang iniisip ang naging akto ng boss niya sa pag-uusap nila ni Ken. Hindi niya tuloy mapigilang mag-assume na may nararamdaman si Cohen sa kanya. Kulang isang buwan pa sila nagkakilala kahit pa na sabihing minsan na sila nagkita tatlong taon na ang nakakaraan sa hindi inaasahang pagkakataon. Napaisip naman siya bigla. ‘Kung totoo nga ang hinala kong may nararamdaman siya sa akin, hahayaan ko ba siyang tuluyang pumasok sa aking buhay? Hindi pa ba sapat sa akin na itrato siya bilang isang normal na nakilala. Hinayaan ko na siyang makilala ako bilang isang kaibigan…ngunit hahayaan ko rin ba siya kung sakali mang magtapat ito ng nararamdaman?’ Napakaraming tanong ang tumatakbo sa isipan ng dalaga. At hindi niya alam kung saan ni